top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | May 18, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 18, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 18, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 18, 2023 (Huwebes): Mataas ang tsansa na ikaw ay yumaman kung ang pag-uukulan mo ng panahon ay ang pagpapayaman. Sana, ito ay iyong maunawaan, kaya simulan mong magpayaman ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang mga kamay ng langit upang mapaganda ang iyong buhay. Langit na mismo ang kumilos dahil ikaw ay abala sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas mula sa mga kaibigan mo. Sila ang iyong sundin upang makuha mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-29-32-37-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Ang akala ng marami ay malakas ka, ngunit ang totoo ay nagkukunwari ka lamang. Lalakas ka ‘pag nagawa mong takasan ang hilig mo sa paglalakwatsa. Ito ang payo ng kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-22-27-31-32.

CANCER (June 21-July 22) - Tapusin mo ang iyong ginagawa. Ang mga bagay na ‘di matapus-tapos ay magsisilbing multo ng iyong buhay na paulit-ulit na babalik sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-27-30-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Masyado kang malakas. Sa unang tingin, ito ay maganda, ngunit binabalaan ka na ang taong malapit sa iyo ay iwasan mo muna dahil mahihirapan silang maunawaan ka ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-29-37-38-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maiinis ka sa mga taong mahina ang ulo, ngunit ‘pag lantaran kang nainis, ikaw ay talo. Ang mahihina ang ulo, pang-unawa ang kanilang kailangan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-24-26-35-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maaakit ka sa taong malakas ang loob dahil alam mo sa iyong sarili na mahina ang loob mo. Gayunman, iwasan mong pumasok sa malalimang relasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-17-21-24-27.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nabubuhay pa ba ang namatay na? Oo, ito ay mangyayari sa iyo dahil muling mabubuhay ang pag-ibig mo na dati ay akala mo’y namatay na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-31-33-36-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo. Lilipas ang iyong sama ng loob at mapapalitan ito ng magandang kapalaran. Mauswerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-20-25-30-31-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumaban ka! Hindi ka ipinanganak na talunan. Hindi ka rin puwedeng mapabilang sa mga taong mahihina na inaapak-apakan lang. Muli, lumaban ka! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-28-30-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung hindi magiging abala ang iyong katawan, magiging abala ang iyong isip, kung saan-saan ito makakarating at maaring makapag-isip ng hindi maganda. Muli mong pasyalan ang iyong kaibigan at makipagkuwentuhan ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-20-21-24-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makibahagi ka at kung puwede ay ikaw ang manguna sa mga gawaing makakatulong sa mga kapus-palad. Ang langit ay matutuwa at huhulugan ka ng malalaking biyaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-28-34-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page