Horoscope | May 18, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 18, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 18, 2021 (Martes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang pangarap mong yumaman ay tiyak na magaganap at matutupad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Gawin mong simple at direkta ang iyong pagsasalita. Huwag mong haluan ng kung anu-anong pampahabang dekorasyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-19-25-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang lang ang kailangan, pero ikaw ay umamin na isa kang duwag. Kaya ang payo ay nagsasabing dumikit ka sa malalakas ang loob nang ikaw ay matulad sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-22-23-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Disiplina sa sarili ang iyong kailangan ngayon. Dahil ang nakasanayan mong sugod nang sugod ay hindi makabubuti para sa iyo, lalo na sa panahong ito ng pandemya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-29-34-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo ngayon ang ayaw mong gawin. Huwag kang magtaka dahil minsan, ang kinatatamaran ay siya palang susi ng magandang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-18-26-37-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pababayaan ng langit. Babantayan ka Niya laban sa iyong mga lihim na kaaway. Ganito ka kamahal ng nasa itaas kaya marapat lang na palagi kang magpuri at magpasalamat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-24-28-33-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang kalusugan mo ngayon. Umiwas ka muna sa maraming tao at ang dagdag na payo, sumunod ka sa sasabihin ng mga dalubhasa at higit na may alam kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-23-27-36-37
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabalita ang araw na ito na kapag nag-isip at kumilos ng masama ang mga kontrabida sa buhay mo, sila mismo ang makararanas ng masasamang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-22-26-34-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Suwerte ka ngayon, kaya makipagsapalaran at kumilos ka. Gawin mo ang mga hindi mo nagawa sa nakaraang mga araw. Magtiwala ka dahil langit mismo ang nagdidikta na ikaw ay masuwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-21-35-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang posisyon na hawak mo. Gawin mo lang ang nararapat upang makinabang ang lahat. Gawin mo at sa huli ay lalo ka pang iiangat sa mas mataas na puwesto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-14-24-28-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyang-luwag mo ang iyong sarili. Maglaan ka ng sapat na oras para sa paglilibang at pagsasaya. Hindi puwede na ang tao ay palaging nakatutok sa trabaho. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-12-15-27-30-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kailangan mo ang mga kaibigan dahil kahit sinasabi mong kaya mong mag-isa, ito ay hindi totoo. Ibalik mo ang dating masayang pagtitinginan n’yo ng iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-9-16-20-21-24.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alamin mo kung ano talaga ang kaya mo at huwag kang lalabis sa iyong kakayahan. Maging tapat ka sa iyong sarili nang sa gayun ay maging maligaya ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-23-28-44.




Comments