Horoscope | May 17, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 17, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 17, 2023 (Miyerkules): Pinapatibay ka ng iyong mga karanasan, kaya ngayon ay handa na ang langit na hulugan ka ng malalaki at mabibigat na grasya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na habang nagsusumikap ka ay gaganti ang nasa itaas sa lahat ng paghihirap mo. Kung isa lang ang tinanim mo, ito ay aani ng higit pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-24-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nais mo rin bang suwertehin? Siyempre, oo ang iyong sagot. Ang payo ay huwag mong layuan ang tao na iyong kinaiinisan dahil ang kanyang mga suwerte at magagandang kapalaran ay maililipat sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-14-28-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang ikot ng iyong kapalaran. Huwag mong isiping nakakasama ito para sa iyo. Ang totoo, lahat ay nangangailangan ng pahinga, at mas maraming magagandang kapalaran ang ibubuhos sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-15-21-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba at nakakagulat ang iyong kapalaran dahil mula sa mahirap na kalagayan, ika’y magugulat dahil bigla kang bubuwenasin at malalaking suwerte ang dadapo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-22-26-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit mabawasan nang malaki ang laman ng bulsa mo, matuwa ka dahil ‘pag natatalbusan ang mga halaman, lalo itong lumalago, gayundinang mga bunga nito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-19-26-27-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mainip. Alisin mo sa iyong bokabularyo ang salitang “inip” dahil sa paghihintay, magdaratingan ang mga bagay na gusto mong maangkin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-10-23-29-30-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagkamali sila na bigyan ka ng kalungkutan dahil sa halip na malungkot ka, sila ang nalulungkot. Lingid sa kanilang kaalaman, marami ang nagpapasaya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-28-29-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang sinumang magtangka na alamin ang iyong pagkatao ay maaalipin at hindi makakaiwas na mahulog sa iyo. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-20-25-26-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran dahil ikaw ay pinapayuhan na ang ibibigay sa iyo na ‘di mo gusto ay ingatan mo. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-21-24-28-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bilang isang katuwaan at seryosong bagay, pakitaan mo ng mabuti ang iyong kaaway. Magugulat ka dahil malalaking suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-27-28-30-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon. Mahirap man paniwalaan, ngunit sa iyo nakalaan ang lahat ng suwerte na akala ng iba ay para sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 12-20-21-24-29-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga taong wala kang natututunan dahil pabigat lamang sila sa iyo. Ito ang simpleng paraan upang gumaan ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-15-26-32-34-36.




Comments