Horoscope | May 16, 2023 (Martes)
- BULGAR
- May 16, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 16, 2023 (Martes): Taglay mo ang malikhaing kaisipan. Gamitin mo ito sa paglikha ng mga bagay na iyong pakikinabangan, huwag mo itong gamitin sa pag-iisip ng mga negatibong bagay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong dayain ang iyong sarili, kung ano ang nahahawakan ng iyong mga kamay iyon ang iyong bilangin. Ang wala pa, ay wala pa! Sana ay malinaw ito sa iyo upang ‘di ka manghinayang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-20-24-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Huwag mo agad paniwalaan ang mga madidinig mong magagandang bagay dahil ang lahat ng mandaraya ay talagang magaganda ang sinasabi. Kaya mag-ingat ka! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-27-34-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka mahihirapan pasunurin ang kahit na sino, dahil sa kakaibang saya na iyong ipinapakita, at dahil dito ay susunod sa iyo ang mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-22-24-28-39-40.
CANCER (June 21-July 22) – Mapag-iisipan mong lumayo muna ngunit ‘di mo pa ito magagawa sa ngayon, dahil sa katunayan ‘di mo naman talaga kayang lumayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-25-27-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Sa ngayon ay mahihirapan kang gumalaw dahil sa dami ng iyong pagpipilian. Kung hindi mo magawang pumili, sundin mo na lamang ang sinasabi sa iyo ng taong mahal mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-12-23-38-40-42
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami kang madidinig na mga imbentong kuwento laban sa mga taong malapit sa iyo. Hindi mo na dapat ito paniwalaan, dahil gugulo lang ang sitwasyon. Sariling opinyon mo lang ang paniwalaan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-22-27-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bigyang laya mo ang iyong sarili. Walang sinuman ang maaaring magbigay sa iyo ng kalayaan. Kapag nagpasya ka na gusto mo nang lumaya, gawin mo agad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-25-27-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na magugulat ka dahil akala mo magpapatuloy pa rin ang mga ‘di magagandang karanasan mo. Ngunit lingid sa iyong kaalaman simula ngayon ay gaganda na ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-23-38-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapusin mo muna ang dapat mong tapusin bago ka mag-umpisa sa ibang gawain upang ‘di ka matulad sa mga taong natambakan ng trabaho at hindi na nakausad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-26-27-33-35-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda sa iyo ang magpalit ng plano, dahil papangit ang mga pangyayari sa halip na bumuti. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-25-28-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sundin mo ang payo sa iyo ng iyong kapalaran na nagsasabing kahit na nasa loob ka ng iyong tahanan isuot mo pa rin ang iyong paboritong damit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-22-27-29-30-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakagulat ang iyong kapalaran dahil ang akala mong pangit na pangyayari ay iyon pala ang magdadala sa iyo ng suwerte at magagandang kapalaran. Maging sensitibo at alisto sa lahat ng oras. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-25-30-31-35-42.




Comments