Horoscope | May 15, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 15, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 15, 2021 (Sabado): Dumating muli ang mga araw kung kailan nasa todong lakas ang iyong nakagagayumang personalidad. Gamitin mo ito upang matupad ang iyong pangarap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makikinabang ka sa pakikipagkaibigan, kaya ‘wag kang mag-alala kung ang mga kaibigan mo ay paparami. Magbabalikan din ang iyong mga dating nakasama. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-28-30-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang gusto mong mapasaiyo. Isang sikreto ito ng tagumpay na nagsasabing, hindi nabibigo ang nagkakaisa ang isip at mga pagkilos. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-25-27-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Napaliligiran ka ng mga tukso. Ipagpaliban mo ang paghahanap ng bagong mamahalin. Mas magandang maghintay nang may katagalan kaysa magdusa at magsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-25-36.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ka na humingi ng pabor sa mga taong tumanggi sa iyo sa nakaraan. Ngayon, wala silang magagawa kundi ikaw ay pagbigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-19-28-31-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka sa biglaang pagpapasya. Maaari kang mahulog sa patibong kung saan maaangkin ka ng hindi naman pala bagay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-21-30-33-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isip ang paganahin mo at hindi ang damdamin. Hindi ka magkakamali kapag sinunod mo ang iyong isip. Ang totoo nga, noon pa man ay isip ang naglalayo sa mga kapahamakan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito dahil natuwa ang langit sa ginawa mong pagpapasaya sa kapwa. Muling ibinalik ang mga araw kung kailan susuwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-19-20-25-31-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon. Ang mga hindi mo inaasahang tutulong sa iyo ay sila pa ang panggagalingan ng mga suwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-11-19-20-28-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hadlangan ka man ng mga sibat at bumuhos man ang malakas na ulan, ayon sa kapalaran mo, hindi ka maaawat. Sobrang desidido kang gawin ang laman ng iyong isip. Masuwerteng kukay-white. Tips sa lotto-3-15-28-30-35-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatalunin ka ng iyong damdamin. Pero ang nakagugulat, sa pagsunod sa dikta ng iyong puso, ang kaligayahang inaasam-asam mo ay mapasasaiyo na rin sa wakas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-29-31-32-41-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa mataas na antas ang iyong kagandahan. Marami ang magnanasa na ikaw ay gawing bahagi ng kanilang buhay. Madarama nilang kailangan ka nila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-22-24-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong isara ang pintuan ng iyong kaligayahan. Ikonsidera mo ang pagkakaroon ng bagong karelasyon. Hindi nabubuhay ang sinumang tao nang dahil lang sa mga materyal na bagay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-21-27-30-33-37.




Comments