Horoscope | May 14, 2021 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 14, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2021 (Biyernes): Pagagandahin ng kapalaran mo ang iyong buhay kahit pa may ilang magtangka na sirain ka. At kahit pa gaano sila kalakas, ikaw pa rin ang mananaig.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalik ang lakas ng iyong kapalaran at ang sinumang magtangka na ito ay labanan, masusumpungan nila ang kanilang sarili na sugatan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-19-20-23-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Natuwa sa iyo ang langit dahil sa ipinakita mong kakaibang kabaitan sa kapwa. Gayundin, inihahanda na ang kakaiba at nakamamanghang magagandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-18-21-28-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit seryoso ka, haluan mo ng saya ang pananalita at kilos mo. Gawin mo at magugulat ka dahil mauunang mapasaiyo ang nakatutuwa, malalaki at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-16-19-29-33-36.
CANCER (June 21-July 22) - Limitahan mo ang iyong mga kilos sa kung ano lang ang pangarap mo. Ang ibang bagay na walang kaugnayan sa iyong pangarap ay hindi mo dapat tinututukan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-11-15-23-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng maganda at maganda rin ang aanihin mo. Gumawa ka ng pangit, pangit din ang mapasasaiyo. Mangyayari sa iyo na kung ano ang gawin mo, ‘yun ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-23-37-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Alisin mo ang pangamba at huwag kang mabuhay sa pag-aalala nang sa gayun ay magsimula na ang mga positibong bagay sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-15-23-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang takdang mga araw kung kailan lahat ng magaganda ay mangyayari sa iyong buhay kahit ikaw ay magkamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-17-20-21-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang maganda sa paningin, gawin mo. Hindi ka dapat maimpluwensiyahan ng ibang tao kahit pa ng malalapit sa iyo pagdating sa pagdedesisyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-19-26-27-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang huminto sa tinutukan mong gawain, pero puwede kang maglibang at mamasyal. Ang totoo nga, malaki ang maitutulong sa taong nagsisikap ng pamamasyal at paglilibang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-18-22-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpaturo ka sa mga mas marunong sa iyo. Hindi puwede na para lang malaman ng tao na ang kidlat ay may malakas na puwersa ng kuryente ay magpapalipad pa siya ng saranggola. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-16-19-20-21-25.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masasayang pangyayari ang mapasasaiyo. Kahit ang piliin mo ay ang pag-iisa at buhay na nalungkot, pasasayahin ka pa rin ng langit sa ayaw at sa gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-17-26-28-38-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikaw ngayon ang tagapamagitan sa hindi magkaintindihan. Gamitin mo ang iyong likas na talino at mga aral na nakuha mo sa karanasan sa pagsasaayos sa nagkakagulo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-14-25-30-33.




Comments