Horoscope | May 13, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 13, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2023 (Sabado): Nakatanim sa iyo ang mga suwerte. Ito ay lalabas kung positibo ang iyong pananaw. Magtatago naman ang suwerte mo kapag ika’y pinangunahan ng takot, pangamba at mga negatibong kaisipan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Balikan mo ang iyong nakaraan, kung saan may nakuha kang aral sa buhay na maaari mong magamit ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-19-20-25-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi aayon sa gusto mo ang mga pangyayari, pero makakaasa ka na ang lahat ng kailangang maganap ay mabibigyang-daan upang dumapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-18-22-27-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli, pagdadahan-dahanin ka ng iyong kapalaran. Dahil sa sobrang bilis ng iyong pasya at kilos, may mga obligasyon kang nakakaligtaan na gawin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-29-31-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang wala kang problema. Ang payo sa iyo ay magkunwari kang masaya dahil kung yayakapin mo ang lungkot, lalo kang hindi makakaabante sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-25-27-30-33-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang iyong sarili bago ang iba. Hindi puwede na palagi kang magsasakripisyo para sa kanila, pero ang iyong sarili ay hindi mo na inaalala. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto- 21-27-30-32-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa kung paano darating ang mga suwerte mo. Bagama’t maiinis ka, kalaunan ay bigla kang bubuwenasin. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-25-28-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagbabago ang lahat ng bagay, kaya ihanda mo ang iyong sarili sa mga pagbabago. Nasasaktan ang tao ‘pag ‘di niya kayang tanggapin na ang ngayon ay nagiging kahapon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-26-27-30-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong takasan ang nakaraan. Kapag tumatakas ang tao sa kanyang nakaaran, dinadaya niya lang ang kanyang sarili at ito ang ‘di magandang mangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-31-35-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihirapan ka ngayon na abutin ang gusto mo, kaya sundin mo ang kagustuhan ng iba. Sa huli, magugulat ka dahl ikaw pala ang kailangang masunod. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-9-17-29-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mong maganap ang mga pangyayari sa iyong harapan. Sa bandang huli, makikita mo na ikaw din pala ang makikinabang sa mga bagay na hindi mo agad naunawaan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-22-25-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo ang araw na ito. Langit ang mag-aayos ng iyong buhay, hindi dahil hindi mo ito kayang ayusin kundi dahil mas gaganda kung langit ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-25-27-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isuot mo ang iyong paboritong damit kahit ito ay luma na. Makakaasa ka na magbabalikan sa buhay mo ang iyong masusuwerteng araw. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-20-25-33.




Comments