top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Horoscope | May 13, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2021 (Huwebes): Higit kang may kakayahan kaysa sa iba na bigyang-katuparan ang mga ambisyon mo. Ang payo ay nagsasabing, unahin mo ang iyong sarili kaysa sa ibang tao.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi puwede na talunin ka ngayon ng iyong damdamin dahil masasayang ang magagandang oportunidad na nasa iyong harapan na magiging daan upang maging malapit ka sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-20-24-29-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mong nakasayad sa lupa ang iyong mga paa. Kapag hindi nakasayad sa lupa ang paa ng isang bagay, ito ang dahilan kaya bumabagsak ang isang bagay. Ito ang nakatagong hiwaga sa pagbagsak ng mayayabang at mapagmataas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-18-20-24-27-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Simple lang naman ang pormula kung paano mo aagwatan ng malaki ang iyong mga karibal. Dalawang hakbang pasulong ang gawin mo, ibig sabihin, higit sa ihahakbang ng iyong kalaban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-27-30-34.

CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong sumama ang iyong loob. Lumayo ka muna sa mga nagbibigay sa iyo ng sakit ng ulo. Mas maganda na mamasyal ka kahit nag-iisa ka lang sa mga bagong pasyalan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-22-28-31-35-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Mas magandang palagi mong iisipin ang nagdaang mga araw kung kailan nagipit ka na at wala kang matakbuhan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-8-17-18-28-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ayusin mo muna ang pansariling problema bago mo ang iba. Sa ganitong paraan, mas marami kang matutulungan dahil ang isip at pakiramdam mo ay mas maginhawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-26-27-34-37-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magmadali. Sa pagmamadali, ang ibang suwerte na para sa iyo ay mapupunta pa sa iba. Sa pagiging marahan, ang lahat ng para sa iyo ay mapasasakamay mo. Ito ang ilagay mo sa iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-24-39-41-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka ngayon, ito ang pundasyon sa hinaharap. Kung makikita ng langit na inaayos mo ang iyong buhay ngayon, ilalaan sa iyo ang isang kinabukasan na magiging maunlad at masuwerte ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-28-29-31-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kilalanin mo munang mabuti ang gustong dumikit sa iyo. May ilan sa kanila na gusto lang malaman ang sikretong iniingatan mo na nagbigay sa iyo ng magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-25-27-35-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagdaratingan pa ang mga suwerte mo. Ang nasa sa iyo na ay hawakan mong mabuti, ingatan at mahalin mo tulad ng iyong pag-iingat sa mamahaling mga hiyas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-23-26-30-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Aali-aligid sa iyo ang ilang suwerte na gusto kang yakapin. Hinihintay lang nito na matanggap ang iyong mga hindi magandang katangian na nagpapabagal sa pag-asenso mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-16-22-29-34-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa malayo at hinihintay ka. Ito ang mga suwerteng para sa iyo na sabik na sabik na makapiling ka. Lakasan mo ang iyong loob, iwan mo na ang lupang iyong sinilangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-25-27-35-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page