Horoscope | May 12, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2023 (Biyernes): Itinalaga ka upang mamahala at mamuno, ito ang papel mo sa mundo. Magmumula ka sa ibaba at ikaw ay dadalhin ng kapalaran sa mas matataas na ranggo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susundin nila ang lahat ng nanaisin mo, ngunit ‘di mo dapat ito ipilit. Mas maganda na sumusunod sa iyo dahil nauunawaan ka, ngunit ang pagsunod nang napipilitan ay walang saya’t ligaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-25-26-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umiwas ka sa mga paladaing, reklamador at mahilig manira ng kapwa. Wala kang mapapala sa mga ganitong klaseng tao at maaari ka pang mahawa sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-27-28-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibabalita ng araw na ito ang mga surpresang sabay-sabay na guguhit sa iyong kapalaran. Maging positibo ka at ituloy mo ang masayang pagkilos. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-20-24-27-30-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating na ang takdang araw, kung saan itutulak ka ng kapalaran upang maging malaya at mapuno ng ligaya’t saya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-29-31-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alam mo ang nangyayari sa paligid, ‘di ka lang kumikibo. Sa pananahimik, ang makikinabang ay walang iba kundi ikaw at ang nakikialam sa gulo ay gugulo rin ang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-24-25-32-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May mga dahilan kung bakit malungkot ka, pero mas maraming dahilan kung bakit maaari kang sumaya, kaya magsaya ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-17-20-22-25-27.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang alam mong may magandang dating sa mga tao. Huwag kang didikit sa mga taong walang dating. Sa ganitong paraan, mahahatak mo ang mga suwerte na nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-21-23-28-30-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong paglaruan ang pag-ibig. Hindi sinasadya na naging ganito ka dahil sa dinanas mong kalungkutan. Buksan mo ang iyong isip upang tuluy-tuloy kang makaranas ng wagas na ligaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-28-30-31-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pagaanin mo ang iyong trabaho, ibahagi mo rin sa iba ang mga gawain. Hindi dahil hindi mo kaya kundi dahil ‘di maganda na makikitang ikaw lang ang may pasan ng lahat. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-29-34-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbawas ka ng nakadikit sa iyo. Ang ilan ay ikaw ang aasahan, habang ang iba ay inaalam ang iyong kapintasan at lihim na ipapamalita. Sila ang mga dapat mong iwasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17- 23-30-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang tama ay tama at ang mali ay mananatiling mali. Huwag ka nang maghanap pa ng katwiran dahil wala kang mapapala. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-28-30-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Binubuo ng mga patak ng tubig ang dagat. Magsimula ka sa maliit at makakaasa ka na kasing laki at lawak ng dagat ang iyong magiging pag-asenso. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-15-23-37-40.




Comments