Horoscope | May 12, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 12, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2021 (Miyerkules): Matutupad mo ang iyong mga ambisyon dahil ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay ang mismong salita na “katuparan ng mga pangarap.”
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tuluy-tuloy lang. ‘Wag kang magpapaapekto sa kahit na sino at gawin mo ang iyong mga nabuong plano. Nasa tamang landas ka kaya makakaasa ka na ang tagumpay ay makukuha mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-29-31-35-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang utos, ‘yun ang sundin mo. Hindi makabubuti kung ang utos ay babalewalain mo. Wala kang dapat ipag-aalala dahil mapupunta ka sa mas tama para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-15-26-28-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag hindi makabayad, huwag nang pahirapan pa na singilin. Itutok mo na lang ang iyong atensiyon sa iba pang puwedeng pagkakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-22-25-27-39-40.
CANCER (June 21-July 22) - Piliin mong mabuti ang papayagan mo na magpakita sa iyo ng pagtingin. Hindi ka magkakamali kapag pakiramdam mo ang iyong ginamit. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-21-25-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbalik-tanaw ka sa nakaraan nang minsang hindi mo pinansin ang mga sinasabi ng tao, kaibigan at iba pang malalapit sa iyo noong nakuha mo ang iyong gusto at silang lahat ay humanga sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-14-29-35-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas ka ngayon. Kaya hindi totoo ang akala mo na malabo mong magawa ang gusto mong gawin. Muli, malakas ka ngayon, kaya gawin mo na ang anumang gusto mo at bukod sa iyong lakas, papatnubayan ka pa ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-24-28-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumayo ka kapag alam mong puwede kang mapahamak. Umiwas ka kapag alam mong hindi maganda ang magiging kapalaran mo. Ang paglayo at pag-iwas ay sandata ng kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-21-23-28-31-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Binibilang ang mga ari-arian at kabuhayan. Ang nakatutuwa, kapag madalas na nagbilang ay nadadagadagan ang kaban-yaman. Ito ang sikreto ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-25-26-37-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy na nagpapakita ang mga bulalakaw at gumaganda ang iyong kapalaran. Malalaking bulalakaw ang paparating, ibig sabihin, malalaking suwerte rin ang darating para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-26-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na papaboran ka ng nakatataas. Mapapansin mo ang kaibahan mo sa karamihan. Ang kaibahang ito ang magdadala sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-26-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na tumatakbo ang orasan ng kapalaran pero wala kang dapat ipag-alala dahil habang bumibilis, mabilis din ang pagdating ng mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-24-26-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakahanda na ang langit para ihulog sa iyo ang pinakamalakas at pinakamagandang kapalaran mo. Bilang paghahanda naman sa iyong sarili, mangako ka na ikaw ay magiging masinop at matatag. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-23-27-33-36.




Comments