top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | May 11, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 11, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2023 (Huwebes): Mas angat ka kaysa sa mga taong nasa paligid mo. Gayunman, mahalin mo pa rin ang mga nasa ibaba dahil sa katunayan, umaangat ka dahil sa kanila.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka! Hindi puwedeng kahit alam mong hindi tama ay kukunsintihin mo pa. Ang salita mo ay magsisilbing panggising sa mga nabubuhay sa pagkakamali. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-20-27-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong kalimutan ang mga aral na nagpaunlad sa iyo. Ipagpatuloy mo ang pagiging masinop at pigilan mo ang iyong sarili na matangay ng walang kuwentang mga aktibidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-25-29-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakahanap ng paraan ang kumikilos, ngunit ang mga ayaw kumilos ay walang pag-asa dahil tanggap na nito ang kasalukuyan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-22-25-28-31-32.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang nararamdaman mo, ‘yun ang iyong ipakita. Ang nagtatago ng damdamin ay nagdadamot sa sarili. Ito ang paalala ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-29-32-39-40-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magkakaiba ang bawat tao, kaya huwag mong hanapin ang iyong sarili sa kapwa mo. Tanggapin mo na ang bawat isa ay may kani-kanyang sariling personalidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-20-21-28-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo siyang nakakontra. Ngayon lang naman ito dahil sa bandang huli ay makikita ng lahat na ikaw ang tama. Ito ang paalala ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-27-34-35-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo dapat iasa sa iba ang pagganda ng iyong kapalaran. Paghandaan mo ito sa pamamagitan ng pagpaplano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-24-26-33-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka nagpapaimpluwensya sa iba? Kailangan mong lumaya at ang una mong gawin ay huwag sumunod sa kahit na sino kahit pa maganda ang kanilang hangarin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-19-20-23-25-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lahat ng problema ay may solusyon. Kumuha ka ng opinyon sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-28-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isuot mo ang lumang damit na naging paborito mo kahit sa loob lang ng inyong bahay. Ito ang magsisilbing pampabuwenas mo ngayon. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-22-27-38-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumakad at magsalita ka na parang walang anumang problema. Gawin mo ito upang maakit mo ang mga suwerte sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-17-20-25-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muling kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte. Maghintay ka at huwag mainip. Nakahanda na ang lahat, malaki at magandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-10-15-17-27-30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page