Horoscope | May 11, 2021 ((Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 11, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2021 (Martes): Babagsak ang mapagmataas nang dahil sa iyo. Ikaw naman ay iaangat ng langit dahil hindi ka nagpapaimpluwensiya sa mga hindi mabuting layunin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka. Ang mga nagsasalita sa iyo ng hindi maganda nang palihim ay magtatangkang ilantad ang iyong mga kahinaan. Muli, mag-ingat ka sa mga taong dati mo nang nakalaban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-19-23-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umiwas ka sa mga intriga at para magawa mo ito, mas maganda na gawin mong tahimik at mag-isa ang iyong mga plano. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-29-30-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Totoong masarap ang maraming kabigan kung ang mga ito ay nakikiisa at nakaalalay sa iyo. Pero kung mga pabigat lang sa iyong kalooban ay mas magandang alisin mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-21-24-27-34.
CANCER (June 21-July 22) - Makararanas ka ng parang hirap na hirap umusad ang buhay mo. Manatili ka pa ring positibo dahil pansamantala lang ito at pagkatapos ay bibilis na ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-23-36-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong gustong makipagkaibigan sa iyo upang makuha ang loob mo at sa huli ay makikinabang sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-23-25-30-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumaludo ka sa mas mahusay sa iyo. Ang magagandang ipinakikita niya ay magagamit mo para sa iyong sariling hangarin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-19-22-28-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng dikit nang dikit sa iyo nang sa gayun ay hindi ka mabigla kapag hindi niya nagawa ang inaasahan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-26-31-32-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala mong hindi magagawa ang iyong gusto dahil hindi umaayon ang panahon. Maghintay ka at makakaasa ka na magkakaroon ka rin ng magandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-22-23-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Akala ng mga kalaban mo, maiisahan ka na nila. Hindi sila makapaniniwala na kahit marami kang kapintasan ay kakampi mo pa rin ang langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-18-29-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi na maaawat pa ang pagdating ng takdang araw na ikaw ay dadagsain ng mga suwerte. Pansamntala, masaya kang maghintay nang may positibong pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-21-24-30-31-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsisilbing babala ang mga salita mo sa taong babangga sa iyo. Dahil ang langit mismo ay nakasubaybay sa bawat salita mong bibitiwan kung saan ikaw ay aayunan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-25-27-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalabas ang sikretong galing at husay mo na matagal mo nang ikinukubli. Dahil dito, magugulat maging ang mga nasa tabi mo dahil sa nakamamanghang ikikilos mo ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-22-27-34-36-42.




Comments