Horoscope | May 10, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 10, 2023
Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2023 (Miyerkules): Ito ang araw na inilaan sa iyo ng kapalaran. Anuman ang hilingin mo, tiyak na ito ay matutupad. Ito ang ibinabalita ng araw ng iyong pagsilang. Ano pang hinihintay mo? Humiling ka na!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - May mga taong mag-aalinlangan, ngunit dahil buo ang iyong loob at naniniwala ka sa iyong kakayahan, tuluy-tuloy ang pagdating ng iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-20-29-31-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Babala na kung ‘di mo makokontrol ang iyong sarili, malaki ang tsansang na mabawasan ng malaking halaga ang iyong kaban-yaman dahil ‘di mo mapigilang gumastos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-18-24-27-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Masisilaw ka sa sarili mong kinang at kislap. Kapag napansin mong ito ay nagsisimula na, alalahanin mo na minsan ay nasaktan ka dahil sa sobrang pagtitiwala mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-22-25-27.
CANCER (June 21-July 22) - Magbawas ka ng nasa sa iyo na. Kung mapapansin mo, habang nababawasan ang iyong pera, mas dumarami ang tsansa na ito ay mapalago mo nang mapalago. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-25-26-35-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alalayan mo ang mahihina at kapus-palad dahil ikaw ang malakas. Kapag ginawa mo ito, malakas ang dating sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-13-27-30-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ngayon ang iyong isip at sa kanyang pagkislap, magbabago ang takbo ng iyong kapalaran dahil makikita mo ang susi ng iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-23-24-27-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na maitatala sa aklat ng iyong buhay na ikaw ay nagdududa, pero ang pinagdudahan mo ay ang pagmumulan ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-16-17-25-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi totoong mailap sa iyo ang mga suwerte dahil ang totoo ay nag-aalinlangan ka lang. Alisin mo ito at magugulat ka dahil mas maraming suwerte ang biglang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-29-30-37-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na magtiwala sa iyong kakayahan. Kumilos ka ngayon tulad ng isang bundok na palaki nang palaki at pataas nang pataas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-21-28-32-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumikilos ngayon ang kapalaran para isaayos ang mga nakaraang pagkakamali mo. Ibig sabihin, nais ng langit na mapabuti ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-14-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na hindi ka dapat magkamali sa pagpapasya. Huwag mong hadlangan ang isang tao na gustong makasama ka dahil siya ang suwerte mo. Hayaan mo na siya’y maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-18-22-24-25-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hina ng loob at pag-aalinlangan ang dapat mong talunin. Nakita ng nasa itaas ang iyong dilemma, kaya lakasan mo ang iyong loob at sumugod ka. Langit na mismo ang magbibigay sa iyo ng suwerte at malaking tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-12-21-29-30.




Comments