Horoscope | May 10, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 10, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2021 (Lunes): Mapabibilang ka sa mga masusuwerteng nilalang. Bukod sa mamumunga ng matatamis na tagumpay ang iyong pagsisikap, may mga suwerte ka na hindi mo paghihirapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot dahil ayon sa iyong kapalaran, kapag masaya ka, ang magagandang bagay ay magsisiguhit sa iyong buhay at karanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-20-24-38-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ipaglaban mo. Bakit mo hahayaan ang walang karapatan na umangkin ng para sa iyo? Humahanga ang langit sa mga buo ang loob at nakikipaglaban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-15-17-24-25.
GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang pagdating ng mga suwerte mo kahit may pag-aalinlangan ka. Dahil noon pa nagpasya ang langit na sa mga araw na ito at darating pa ay bubuwensin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-20-21-27-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun ang mararanasan mo. Ang mga suliranin na nagpapabigat sa kalooban mo ay biglang maglalaho. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-20-26-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alisin mo ang iyong takot. Harapin mo ang mga araw na darating nang may tiwala sa sarili. Ito ang sikreto ng magandang buhay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-14-16-29-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagaanin mo ang iyong mga pasanin. Ang mga pabigat sa buhay ay isa-isa mong alisin. Kapag gumaan ang iyong pasanin, ang magagandang kapalaran ay magaan ding mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-21-24-33-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong isuot ang paborito mong kasuotan dahil ito ang pampabuwenas mo ngayon. Hindi mo lang napansin, suot-suot mo ito nang araw na ikaw ay sobrang pinalad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-16-23-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagpasya ang langit na bigyan ka ng makulay na buhay, kung saan sobrang sasaya ka at darami ang mga aktibidad na iyong higit na mapakikinabangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-28-30-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang iyong kapwa at langit mismo ang magpapasaya sa iyo. Malalaking biyaya ang mapasasakamay mo bilang gantimpala sa pagpapasaya mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-17-18-20-21-29.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran. Aakalain ng iyong mga lihim na kaaway na bagsak ka na at hindi makakarekober, pero sila ang magkakaroon ng pangit na kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-18-20-21-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang kumilos kahit hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Magugulat ka dahil masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-20-24-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari. Pero ang mga ito pala ay kailangang maganap nang mabigyang-daan ang naglalakihang magagandang kapalaran na papalapit nang dumating sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-23-30-38-40.




Comments