top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | May 1, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
May 1, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 1, 2023

Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2023 (Lunes): Suwerte ka, at ang magmamahal sa iyo ay susuwertehin din. Kung gaano kalalim ang pagmamahal niya sa iyo, ganundin ang suwerte na makukuha mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo, ibig sabihin, puwede mo nang gawin ang mga bagay na binabalak mo. Kapag ito ay sinimulan mong gawin ngayon, tiyak na ito ay matutupad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-20-23-29-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang munting binhi ng palay ay ang suwerteng mapasasaiyo. Makakaasa ka na mamumunga ang mga ito ng mas marami, at masagana na habambuhay mong pakikinabangan at aanihin. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-23-27-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Magsaya ka, pero huwag kang gumastos na sa huli ay malulungkot ka. Iwasan mong maulit ang nangyari noon na gumastos ka ng malaking halaga, ngunit sa bandang huli ay nagsisi ka lang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-24-39-40.

CANCER (June 21-July 22) - Muli kang dadalawin ng masasayang suwerte dahil napansin ng langit na hindi ka puwedeng mabuhay sa kalungkutan. Magpasalamat ka lagi sa itaas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-20-28-30-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kung ano ang hilingin mo sa langit ay hindi ka tatanggihan. Puwede mo ring hilingin ang para sa mga mahal mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-22-25-30-36-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag natutukso kang sabihin ang mga nakita mong hindi maganda, pagandahin mo ang mga salitang gagamitin mo. Ito ang sikreto ng pakikisalamuha sa kapwa upang tuluy-tuloy kang suwertehin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-21-25-27-34-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka puwedeng alipinin ng taong sa una ay galante, pero sa huli ay hindi pala. Suriin mong mabuti ang personalidad ng mga taong nakakasalamuha mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-17-19-20-23-30.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masanay ka na sa paulit-ulit na ugali ng mahal mo dahil hindi puwedeng sa maliliit na pagkukulang at bagay ang maging sanhi ng pagtatapos ng isang relasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-20-21-23-28-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi puwedeng talunin ka ng lungkot dahil sa kabiguan ng ilang tao. Mas maganda kung ang iyong pananaw ay positibo nang maging positibo rin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-15-26-28-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibahagi mo sa kapus-palad ang ilang suwerte mo. Magugulat ka dahil dadagsa na para bang walang katapusang mga biyaya at pagpapala ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-15-17-26-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli mong mararanasan ang suwerteng ninanais-nais ng iba na sa iyo mapupunta. Magpasalamat ka lagi sa itaas dahil sa susunod na araw, mas marami pang suwerte ang darating. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-21-29-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay at mamasyal kahit nag-iisa ka. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong kapalaran at magugulat ka dahil may kakaibang sigla kang mararamdaman. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-13-21-22-26.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page