Horoscope | May 08, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 08, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 8, 2021 (Sabado): Napakaraming surpresa sa iyo ng iyong kapalaran. Kahit ang mga nasa paligid mo ay manghang-mangha sa biglaang pagdating sa iyo ng magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag at tibay ng loob ang kailangan mo ngayon. Hindi ka puwedeng magpaapekto sa mga negatibong kaganapan. Huwag mong kalilimutan na rito sa mundo, ang lahat ay lumilipas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-15-22-24-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka pababayaan ng iyong matalik na kaibigan. Hindi lang materyal na bagay ang maitutulong niya kundi maging ang mga payong magpapalakas ng iyong kalooban. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-29-32-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Nasa makulay at makislap na bagay ang mga suwerte mo. Isuot mo ito at magugulat ka dahil magdaratingan sa iyo ang kakaibang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-20-25-38-40-42-43.
CANCER (June 21-July 22) - Yayakapin ka ngayon ng mga suwerte. Nakita ng langit na higit kailanman, dapat masuklian ang mga kabaitan at kabutihang-loob na ipinakita mo sa iyong kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-24-27-35-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang na makaporma ang iyong mga kaaway. Hanggang porma lang naman sila dahil patuloy pa rin ang pagpapakita at pagpapadama sa iyo ng pagmamahal ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-16-17-29-30-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bago ka makipagsapalaran, hintayin mong mangitian ka ng isang malapit lang sa inyo ang tirahan. Dahil ang kondisyon para buwenasin ka ay ang mapasaya mo o mapasaya ka ng isang kapitbahay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-19-22-23-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lang, isuot mo ang paborito mong damit na panlakad. Ito mismo ang pampasuwerte mo ngayon at sa ilang araw pang darating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-15-23-25-35-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahalaga sa iyo ngayon ang pagbabalik sa mga araw na ikaw ay binubuwenas. Doon ay makikita mo kung paano ka susuwertehin sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-18-28-30-33-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong pangarap dahil ito mismo ang magsisilbing pakpak mo sa tagumpay. Huwag kang bibitaw. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-21-30-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Pero sa totoo lang, kahit hindi ka makipagsapalaran, ang mga suwerte ay talaga namang darating sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-28-38-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipanatag mo ang iyong sarili, kumbaga, kalmado lang. Ang mga suwerte mo ay papasok sa iyong kapalaran kapag ikaw ay may panatag ka kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-17-24-27-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal at magsaya ka. Dahil ang kondisyon para makatanggap ka ng malalaking biyaya ay kailangan mong lumabas ng bahay kahit ilang oras lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-25-31-34-38-41.




Comments