top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | May 07, 2021 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 7, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 07, 2021



Sa may kaarawan ngayong Mayo 7, 2021 (Biyernes): Nagdaratingan ang mga suwerte mo. Mas magandang isabuhay mo ang pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga biyayang sumasaiyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bago mo ituloy ang mga bagong plano na magpapaunlad sa buhay mo, tiyakin mo muna na ang mga nasa tabi mo ay hindi magsisikontra. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-26-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Naglalabas-pasok sa isipan mo ang naggagandahang ideya, na kung pipili ka ng isa ay magsisimula na ang tuloy-tuloy mong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-17-25-33-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit paisa-isa ang paghakbang mo, makakaasa ka na malayo ang mararating mo. Pero kung pagsasabay-sabayin mo ang mga gusto mong mangyari, wala kang mararating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-20-24-28-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matulad sa iba na nag-akalang aasenso na sa lakas ng loob. Sa kanilang hanay nagmumula ang maraming nabigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-17-21-27-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tinatalo ng lamig ang init. Pero para sa iyo, hindi ka dapat manlamig sa iyong mga pangarap. Kulang ka lang naman sa pampasigla kaya maghanap ka ng inspirasyong magbibigay sa iyo ng sigla. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-14-23-30-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mahalaga kung alam mo ang mangyayari dahil ang talagang importante ay ang magawa mo ang mga paunang pagkilos papunta sa lubusang pag-unlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-11-18-22-28.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit gaano kahigpit ang pagkakatali sa hindi magandang sitwasyon, ang tao ay nakakalaya. Simple lang naman ang iyong kailangan at ito ay ang humakbang papalayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-13-18-26-33-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit nahihirapan ka. Ang paghihirap ay senyales ng malaking tagumpay at nag-uumapaw na kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-25-26-34-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan may nakabukas na oportunidad upang mas mapaunlad pa ang iyong buhay, doon ka lumagay. Huwag kang tumulad sa marami na damdamin ang pinaiiral. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-15-29-30-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dapat alam mo na ang negosyo ay negosyo. Marami ang nalugi dahil ang kanilang pinagkakakitaan ay nahaha-luan ng iba pang bagay na walang kinalaman sa negosyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-14-26-39-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang nasa harap mo, ‘yun ang para sa iyo. Kung ano ang nasa malayo, ‘wag mo munang pangarapin. Nabibigo ang tao dahil sa maling prayoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-21-25-44.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa mga ipinakikita ng larawan. Kapag maraming salapi ang nasa larawan, ibig sabihin, walang pera, kaya ang mga larawan ay kabaligtaran ng katotohanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-23-24-31-40-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page