Horoscope | May 06, 2021 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 06, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 6, 2021 (Huwebes): Kahit ano pa ang mangyari sa buhay mo, iisa lang ang kauuwian at ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gumaganda ang takbo ng iyong kapalaran dahil kumikilos ito papunta sa katuparan ng iyong malalaking ambisyon. Manatili kang kalmado at positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-23-29-34-37-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon ang tamang panahon para magawa ang balak mong karagdagang pagkakakitaan. Muli, ngayon na! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-17-24-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi dapat malihis ang atensiyon mo sa kung paano matutupad ang iyong mga pangarap. Nagbababala ang araw na ito na puwedeng magkatotoo ang anumang ibulong mo sa iyong puso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-20-24-30-35.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas ng iyong karisma na parang tunay na gayuma. Pinag-iingat ka dahil ang mga may pananagutan at wala pang pananagutan ay puwede mong magayuma. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-18-22-27-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka kahit pa sabihin mong malakas ka. Bilang isang katuwaan pero isa ring seryosong bagay, kaya mo bang layuan ang mga tuksong lumalapit sa iyo? Dapat kayanin mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-23-26-38-41-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inspirado ka ngayon. Mas magandang ang mga kilos mo ay itutok sa pagpapabilis ng iyong pag-asenso. Ito ay para mas mapakinabangan mo ang magandang araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-25-29-43-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Suwerte ka ngayon. Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Lakasan mo ang iyong loob nang sa gayun ay matikman mo ang mga biyayang regalo ng langit sa masusuwerteng tao na tulad mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-13-20-24-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdag na suwerte ang kaloob sa iyo ng langit ngayon dahil sa kabutihan na ipinakita mo sa iyong kapwa. Mas marami pang nakalaan sa iyo, kaya ipagpatuloy mo ang iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-22-28-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ihanda mo ang iyong sarili sa nagdaratingang magagandang kapalaran. Huwag mong kalimutan na nasasayang ang mga suwerte kapag ang tao ay hindi nabubuhay sa kaayusan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-25-28-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang tanggi sa iyong kahilingan ang mahal mo. Kahit pa kakitaan ng hindi magandang reaksiyon, ikaw pa rin ay kanyang pagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-13-27-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Totoo ang nadarama mo na dumarami ang nagkakagusto sa iyo. Magandang balita ito kung gusto mong magamit sila sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-21-26-33-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakagugulat ang kapalaran mo ngayon. Kapag maganda ang tingin mo sa iyong sarili, tiyak na ang mga suwerte ay mapasasaiyo at ito ay mabilis na mangayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-28-30-35-37-41.




Comments