Horoscope | May 05, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 05, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 5, 2021 (Miyerkules): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil ang utos ng iyong kapalaran ay magnegosyo ka. Ito ang magpapayaman sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang mga kilos mo na parang hindi ka nag-iisip, pero ang totoo, kasabay ng mabibilis mong kilos ay ang mabilis ding paggana ng iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto5-12-21-23-32-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Puhunan ba ang kailangan mo? Bibigyan ka ngayon ng iyong kapalaran. Pakaingatan mo itong magamit sa mga personal na bagay dahil ang iyong kailangan ay magkaroon ng puhunan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto18-20-25-39-41-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Muling ipinagkaloob sa iyo ang espesyal na pribelehiyong ito. Mas magandang gamitin mo ito sa tama para bumilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto8-14-15-23-39-44.
CANCER (June 21-July 22) - Pag-isipan mo munang mabuti ang iyong gagawin. Hindi ka puwedeng muling matangay ng iyong damdamin dahil ang mga kabiguan ay nangyari dahil hindi mo pinagana nang husto ang isip mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto7-10-16-21-23-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong labanan ang agos ng iyong kapalaran. Magtiwala kang dadalhin ka nito kung saan makakaharap mo nang personal ang mga suwerte sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto3-13-19-24-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang naunang gusto mo, huwag na huwag mong baguhin. Kung babalikan mo ang nakaraan, ang kadalasang pagkakamali mo ay ang pagpapabago-bago ng iyong mga desisyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto8-15-26-34-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo papansinin ang mga kontrabida sa iyong buhay? Ituring mong ingay ng mga dahon sa sanga ang mga sinasabi nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto16-21-24-29-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumarating na ang mga pagbabago sa iyong buhay. Ang kaginhawaan at masaganang buhay ay mapasasaiyo, kaya salubungin mo ito nang may saya sa puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto8-11-18-29-30-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng basta na lang maniniwala sa mga maririnig mo. Mas maganda na maghanap ka muna ng patunay nang sa gayun ay hindi ka magkamali sa iyong papanigan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto4-16-17-20-25-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang sinasabi ng iyong kapalaran. Mula ngayon, malalantad ang iyong ikinukubling magagandang katangian at sobrang daming hahanga sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto1-5-20-25-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng lihim mong kinaiinisan. Sa bawat kilos niya, ikaw ang makikinabang. Mas magandang lihim ka ring magpasalamat sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto9-13-14-21-26-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Biglaang dadapo sa iyo ang mga suwerte. Sa pagkabigla mo, iwasan mong matulad sa mga taong sobrang nagsasaya dahil natanggap ang hindi kapani-paniwala na magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto11-18-20-24-30-41.




Comments