Horoscope | May 03, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 03, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 3, 2021 (Lunes): Makukuha mo ang iyong mga ambisyon sa buhay. Aalalayan ka ng iyong kapalaran at mas malalaki at maganda ang iyong ambisyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hawak mo na ngayon ang iyong gusto. Ito ay sa larangan ng pagpaparami ng kita sa negosyo, pero puwede ring sa ibang bagay kahit walang kinalaman sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-23-29-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang magandang mga araw ngayon kung kailan papaboran ka ng nakatataas sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-13-15-25-38-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Puwede mong palitan ang iyong naunang tukoy na hangarin. Ituon mo ito sa mas malalaking proyekto at hindi dapat mapunta sa maliliit na hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-26-35-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maakit sa mabilisang pakinabang na sobrang laki ang pangako sa iyo. Huwag ka ring magtiwala kapag sa una ay nakakuha ng malaking halaga dahil tiyak na sa una lang ‘yun. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-23-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makuntento sa nasa iyo na. Mas tama na ang tao ay hindi dapat tumigil sa paghahanda sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay at para sa kanyang sarili. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-24-28-43-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanap ka ng dagdag pagkakakitaan. Ito ngayon ang pinakaepektibong paraan para gumanda ang iyong buhay. Hindi ka dapat tumulad sa mga umaasa lang sa takdang kinikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-20-29-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag hirap ka na, umayaw ka na. Hindi ka isinilang para magtiis at pahirapan, gayundin para maalipin ninuman. Kalayaan ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-22-28-33-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ngayon ang panahon ng pagdidiyeta. Ngayon ay panahon para matikman ang masasarap na pagkain habang nagsasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-13-21-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong kalusugan. Ang sobrang pagpapawis ay hindi maganda dahil maraming sustansiya ang nawawala. Ang kailangan mo ay panandaliang pahinga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-33-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito dahil maraming nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Kung saan, talagang ang iba ay hanggang sa pagpaparamdam lamang. Ang piliin mo ay may tiyaga at mapaghintay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-28-31-34-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi sinasadyang matamis na ngiti ang kakawala sa iyong mga labi. Ang makapansin ay magagayuma mo, pero ang nakatutuwa, ikaw at siya ay magkakandalitu-lito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-25-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan pa ang mga suwerte mo. Pero ang ibang hinihintay mo ay hindi pa darating. Gayunman, ang sinasabing darating ay hindi mo inaasahan, pero sobrang saya ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-13-29-32-38.




Comments