Horoscope | May 02, 2021 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 02, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 2, 2021 (Linggo): Mapalad ang iyong binigyan ng tulong dahil sobrang sumaya sila. Pero mas mapalad ang nagbibigay na tulad mo dahil mas malalaking biyaya ang mapasasaiyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dagdag na suwerte ang naghihintay sa iyo kapag hindi mo inatrasan ang mga hamon ng iyong kapalaran na sa kasalukuyan ay nasa iyong harapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-21-27-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lalakas ang loob mo dahil sa ilang mga tagumpay na makakamit mo. Gayunman, kailangang maunawaan mo na ang lakas ng loob ay minsang sanhi rin ng kabiguan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-15-16-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka muna. Pigilan mo ang iyong sarili na sumugod sa mga bagong pakikipagsapalaran habang hindi pa sapat ang iyong mga paunang impormasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-12-27-33-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Kahit may pagkaimposible o mahirap mangyari, ikaw pa rin ay pagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-8-18-20-23-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Akala ng tamad ay suwerte ang lalapit sa kanya. Dito siya nagkamali dahil ang suwerte ay dapat nilalapitan. Huwag kang tumulad sa kanila, kaya ngayon ay kailangan mong kumilos bago ka buwenasin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-20-30-31-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa mabibigat na pagsubok. Huwag kang mangamba. Dapat ay mas buo ang loob mo dahil malalaking suwerte ang kalakip ng mga pagsubok na ito na kayang-kaya mo namang lagpasan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-18-19-22-26.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo lang ang iyong sarili dahil mismong langit ang kikilos para sa iyo nang sa gayun ay mawala ang mga hadlang at balakid sa landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-20-21-28-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nawawala ang tamis ng tagumpay kapag hindi nahirapan sa pakikipagsapalaran. Piliin mo ang hamon ng kapalaran kung saan mailalabas mo ang iyong galing at husay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-20-24-30-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggapin mo ang inaalok sa iyo. Sa langit nanggaling ito para mabilis na mapasakamay mo ang katuparan ng iyong malalaking pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-16-24-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bigyan mo ng oras ang mahal mo sa buhay. Huwag mo siyang pagdamutan nang sa gayun ay lalong tumatag at tumibay ang relasyon n’yo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-18-22-24-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paparating sa iyo ang mga bagong proyekto. Mas magandang kahit hindi ka pa tapos sa iba ay tanggapin mo kapag nasa harapan mo na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-25-29-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hanapin sa iyong kapwa ang ugali mo dahil mas nasasaktan ang tao kapag pinipilit niyang siya ay tularan ng iba. Pakinggan mo ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-26-37-40-41.




Comments