Horoscope | May 01, 2021 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| May 01, 2021
Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2021 (Sabado): Kahit ang mga suwerte ay nagdaratingan sa buhay mo, kailangan mo pa ring magsikap dahil mas matamis ang bunga ng pinagsikapan kaysa nakuha mo nang hindi gaanong pinagpawisan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng kakaibang sigla. Ito ay isang malinaw na senyales na paganda na ang takbo ng iyong kabuhayan. Kung ano ang naging plano, ‘yun ang ipatupad mo at ‘wag nang baguhin pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-22-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Iisa lang naman ang patutunguhan nito na sa huli ay masusumpungan mong hawak-hawak mo na ang katuparan ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-29-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka pa magsasawa sa pagsasaya. Makikitang ang saya at ikaw ay iisa. Ang lungkot ay malayo sa iyo kung saan kahit lumapit ay mananatiling masaya ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-25-27-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Magpapatuloy ang magandang kapalarang tinatamasa mo ngayon, pero may pagkakataon na pansamantalang magbabago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong kunin ang ayaw sa iyo. Sa ganitong paraan, malalayo sa iyo ang mga problema at magsisilapitan ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-28-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa malungkutin dahil ang lungkot ay tulad ng sakit na nakakahawa. Lumayo ka rin sa paladaing, ang mga ito ay nakakahawa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-36-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng masaya at susuwertehin ka. Magsuot ka ng malungkot at lulungkot ka. Kung ano ang larawan mo, ‘yun ang magiging kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang iyong pagsisikap nang hindi masayang ang mga araw sa kasalukuyan na gumaganda nang gumaganda ang takbo ng panahon sa pagpapaunlad ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-20-25-26-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang lumagay sa posisyong ikaw ay sobrang mahihirapan. Piliin mo kung saan ka madadalian dahil walang tao na ang gusto ay mahirapan siya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-26-30-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil binibigyan Niya ng katuparan ang kahilingan mo na gumanda ang iyong buhay, gayundin ang malalapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngiti lang naman ang sikreto nang magbago ang buhay mo at mawala ang hindi magagandang pangyayaring sumasaiyo. Kaya ngumiti ka na, ngayon na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-19-24-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka magpasya, mag-isip ka munang mabuti. Hindi ka dapat matangay sa magaganda at matatamis na salita. Sapat ang mga karanasan mo para hindi ka muling madaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-18-23-27-44.




Comments