Horoscope | Marso 9, 2026 (Lunes)
- BULGAR

- 17 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 9, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 9, 2026 (Lunes): Wala kang talo sa anumang hamon ng kapalaran. Ito ang ipinapangako ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hahawiin ng langit ang mga sagabal sa landas ng buhay na iyong tinatahak, at ang mga problema ay magiging bagong oportunidad. Magpasalamat ka lagi sa langit. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Buksan mo ang mga mata mo. Makikita mo na ang matatapang at hindi takot na harapin ang mga pagsubok ay nagkakaroon ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-11-12-27-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Natututo ang tao sa kanyang karanasan. Kaya bakit mo iiwasan ang mga pangyayaring hahamon sa iyong kakayahan? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-21-28-32-42.
CANCER (June 21-July 22) - Pahalagahan mo ang mga dating nakatulong sa iyo, para umaangat pa nang todo ang iyong kalagayan. Mahiwaga ang buhay sa mundo, kapag ginawa mo ito, gaganda pa nang gaganda ang kalagayan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-25-29-34-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi natutulog ang langit. Sa katunayan, langit mismo ang gumigising sa iyo upang harapin mo ang umaga na may bagong pag-asa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-15-20-24-36-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kailangan ng tao ang kamay para matupad ang kanyang mga pangarap. Ibig sabihin, kailangan mong kumilos upang makuha mo ang mga nais mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-26-29-31-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mabibigla kung ang mga bagay na ayaw mo, iyon ang mapapasaiyo. At huwag ka ring mamamangha kung mapasaiyo man ang bagay na nais mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-14-23-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nakikita mo, iyon ang totoo. Huwag kang kumapit sa haka-haka. Bago ka magpasya, dapat may sapat kang batayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-27-30-33-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumadapo ang magagandang kapalaran sa taong may magandang pananaw. Linisin mo ang isip mo at ang mga negatibong iniisip mo ay ibasura mo muna. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-21-29-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makisali sa sigalot ng iba. Mas maganda kung habang nagkakagulo sila ay kumilos ka para mas mapalapit ka pa sa mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-26-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag umaawit ang mga ibon, ibig sabihin nu’n ay gaganda na ang panahon. Mapapansin mo rin na kusa kang napapaawit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-14-22-25-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung nahihirapan ang katawan, pahinga ang kasagutan. Kung nahihirapan ang iyong kalooban, lumayo ka muna at pumunta ka sa mga lugar na malapit sa nature. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-10-23-31-38-42.



Comments