Horoscope | Marso 9, 2021 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 9, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 9, 2021 (Martes): Kahit dumaan ka sa hirap, ang tagumpay ay para sa iyo. Simple lang ang pormula, mag-ambisyon ka at ‘yun na, tiyak na magtatagumpay ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maluwag at madali mong maisasagawa ang iyong mga plano. Kung wala ka pang mga plano, ngayon na rin ang magandang araw para sa pagbuo ng panibago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-20-24-36-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagkakalooban ka ng langit ng lakas ng loob na puwede mong magamit para higit pang gumanda ang iyong buhay. Gamitin mo! Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-22-24-34-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong masobrahan ang iyong tapang. Bitbitin mo ang iyong tapang at gamitin mo lang kung kinakailangan, kaya dapat ay bukas ang iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-29-37-43-45.
CANCER (June 21-July 22) - Tapos na ang mga araw na ikaw ay duwag. Sa mga araw na ito, kusa kang kikilos para tahakin ang landas ng iyong buhay kung saan ang dulo nito ay katuparan ng iyong pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-13-20-25-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang iyong kapwa dahil ikaw ay may garantiya mula sa iyong kapalaran na yayaman ka. Ang kapwa na iyong aalalayan ay hindi matutulad sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-18-25-28-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw mismo ay magtataka sa iyong sarili dahil ang hindi mo nagawa sa nakaraan ay magagawa mo ngayon. Kaya hindi ka na mapabibilang sa mga taong mahina ang loob. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-18-26-37-45-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, ‘yun ang mangyayari. Sa huli, sasabihin mo na langit pala talaga ang nakaaalam kung ano ang mabuti sa isang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-17-20-21-25-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakambal mo ngayon ang suwerte. Kaya ang sinumang mangahas na subukan ang iyong kapalaran ay mamamangha sa magaganap dahil muli, kakambal mo ngayon ang suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-26-28-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Marami ang handang umalalay sa iyo. Ang mga kontrabida ay nababawasan, habang ikaw na kinokontra ay lalong gumaganda ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-15-18-26-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasusugatan ang isda na lumalangoy nang salungat sa agos. Sakyan mo lang ang agos ng buhay dahil bukod sa hindi ka na masasaktan, maraming surpresa ang nakalaan sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-29-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lihim kang tumawa kapag may magagalit sa iyo dahil sa inggit. Ayon sa kapalaran, kailangan mo talaga ang mga maiinggit dahil sila ay lihim na magbibigay sa iyo ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-23-25-30-32-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong. Isabuhay mo ito nang sa gayun ay matuliro ang mga lantad at lihim mong kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-18-20-21-23.




Comments