Horoscope | Marso 8, 2026 (Linggo)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 8, 2026

a may kaarawan ngayong Marso 8, 2026 (Linggo): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo ng kapalaran. Noon pa man ay pinatitibay at pinalalakas ka na para ‘di masayang ang mga suwerte mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit saan ka pumunta, babantayan ka pa rin ng langit. Ang mga hindi mo kaya, langit ang gagawa ng paraan upang mapagtagumpayan mo ito. Kaya huwag na huwag mong kalilimutan na magpasalamat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-24-33-38-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagagaanin ng langit ang iyong mga pasanin dahil ikaw ay nagtataglay ng mabuting kalooban kahit pa may mga pinagdaraanan ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-28-32-34-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakakita ang naghahanap. Hindi ka mabibigo at sa katunayan, madami kang makikita, kaya ikaw na ang mamili kung ano ang bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-22-31-36-44.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerteng ngayon. Sa katunayan, madami ang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-23-35-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng pasanin. Una mong alisin ang mga ‘di marunong tumingin sa mabuti mong ginagawa. Ito ang sikreto para ulanin ka ng panibagong oportunidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-17-29-33-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipakita mong buo ang loob mo para hangaan ka ng langit at regaluhan ng mga kakaibang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-19-23-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong bagay ang magdadala sa iyo ng mga suwerte. Puwede mo rin munang baguhin ang iyong buhok at magsuot ka ng mga bagong kasuotan. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-18-21-30-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang nagpapalakas sa katawan. Kaya mamahinga ka para makahanap ka ng mga bagong pakikipagsapalaran na kung saan makatatanggap ka ng malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-20-27-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang maitutulong sa iyo ng bagong kakilala. Sa katunayan, may magaganda at malalaking kapalaran kang makukuha sa kanya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-14-26-32-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Humiling ka sa langit at kahit na may pagkaimposible pa iyon, gagawa pa rin ng paraan ang langit upang maibigay iyon sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-14-21-25-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iwan mo ang ayaw magbago dahil ang pananatili sa kanya ay magreresulta lang sa pagpangit ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-24-31-36-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka madadalian, iyon ang piliin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-17-19-22-30-43.



Comments