Horoscope | Marso 8, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 8, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2023 (Miyerkules): Ito ang araw na magkahalong suwerte at negatibong pangyayari ang darating sa iyo. Ngunit sa bandang huli, mas marami at pabor pa rin ang pagdating ng suwerte at magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi alahas o anumang hiyas ang iyong pampasuwerte ngayon kundi ang iyong natatagong lakas ng loob. Ilabas mo ito at bubuwenasin ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-29-30-31-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbubunga na ang iyong matagal na paghihintay. Gagawa ng paraan ang langit, na ang iyong mga kahilingan ay mapasaiyo. Ito ang balita ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-18-29-31-35-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Biglaan ang pagdating ng mga sagabal sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Ngunit huwag kang mabahala dahil bigla rin silang mawawala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-16-21-24-33.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong haluan ng emosyon ang iyong proyekto. Kapag nakikialam ang damdamin, bumabagal ang galaw ng kaunlaran. Ito ang dapat mong tandaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong kalimutan ang payo na unahin ang sarili bago ang kapakanan ng iba. Puwedeng maulit ang ganitong pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-31-32-38-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sukatin mo ang iyong kaharap bago ka magsalita. Kapag mas mababa ang pagkatao iya, huwag mo siyang pansinin. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-14-26-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami sa paligid mo ang may isip talangka. Mas makakabuti sa iyo na kumilos at magsalita na ikaw ay parang walang-wala. Sa ganitong paraan, puwede mo silang pagtawanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-24-26-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumuha ka ng aral sa buhay mula sa mga karanasan ng ibang tao na iyong makakasama at masasaksihan. Marami kang matututunan na magagamit mo sa iyong personal na kapakinabangan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-19-25-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Habang ang iba ay tulirong-tuliro sa kung ano ang magandang gawin dahil sa mahirap na kalagayan, ikaw naman makikitang binibigyan ng langit ng kaluwagan. Mauswerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-28-33-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, ang tunay na ginto ay nababalutan ng matigas na bato. Huwag kang susuko dahil ang taong gusto mo na may matigas na puso ay may pusong ginto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-24-28-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi alam ng marami na mabigat ang mga pasanin mo sa buhay. Maging matatag ka dahil nakahandang kumilos ang langit upang iahon ka sa mga pangit na kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-17-22-27-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ituloy mo ang gusto mong gawin. Hindi ka dapat maapektuhan ng mga negatibong komento mula sa mga taong negatibo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-28-30-37-41.




Comments