top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 8, 2021 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 8, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 8, 2021 (Lunes): Malalaking suwerte ang iyong dala-dala na para sa iyo rin. Huwag mong unahin ang ibang tao dahil hindi sinasadyang mauuna silang suwertehin kaysa sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Higit kailanman, ngayon mo dapat ilabas ang iyong tapang at katatagan. Hindi lang ang mga karibal mo ang susuko sa iyo kundi maging ang mga pagsubok sa harapan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-28-30-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-obserba ka. Sa iyong pag-oobserba, may mga sikreto ng pagpapayaman na iyong makikita at puwede mo ring isabuhay. Kung sila ay umasenso, aasenso ka rin sa kanilang paraan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-28-34-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagsasayawan ang mga dahon sa malamig at malambing na simoy ng hangin. Ibinabalita ng mga ito na ang masasayang kaganapan ay tatalunin ng negatibong nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-20-21-25-33.

CANCER (June 21-July 22) - Nagmamatyag sa iyo ang isang malaking suwerte na sawa na sa mga mapagkunwaring tao. Ipakita mo kung ano ang tunay na ikaw at yayakapin ka ng nasabing suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-28-30-31-34-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang mas suwertehin ka pa kaysa sa nakaraan nang ikaw ay sobrang binuwenas? Siyempre, gusto mo. Unahan mo ang Haring Araw sa pagsikat. Gumising ka nang maaga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-22-26-35-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Simple lang naman ang paraan upang magkaroon ng maayos at magandang buhay. Ang una ay una, kaya unahin mo ang dapat unahin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-21-27-30-37-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipinaaalala sa iyo ng kapalaran mo na kung saan ka masaya, roon ka. Ito rin ay nagsasabing kung saan magiging masarap ang buhay mo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ka dapat magkamali. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-28-30-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Itaya mo ang iyong kapalaran at tiyak na ikaw ay mananalo. Ang buhay sa mundo ay isang pakikipagsapalaran kung saan ang hindi tataya ay walang inaasahan na anuman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-20-26-34-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Angat na angat ka dahil muli kang iaangat ng kapalaran mo sa mas mataas na kalagayan. Kaya lang, darami ng iyong mga obligasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-23-32-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang laro lang ang buhay sa mundo, kaya hindi naman mahirap ang suwerte sa masayang kapalaran. Makipaglaro ka at hindi ka dapat masyadong seryoso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-18-21-26-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakatok sa pintuan ng puso mo ang isang hindi mo naman gaanong kakilala at malakas ang iyong kaba. Papapasukin mo ba? Ang hula ay nagsasabing, oo, papapasukin mo siya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-29-39-40-41-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang malakas ang loob, sa kanya ka dumikit. Ito ang sikreto para sa iyo upang mas gumanda pa ang buhay mo. Gawin mo ito ngayon at huwag ka nang magdalawang-isip pa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-27-28-37-41-45.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page