top of page

Horoscope | Marso 7, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 7, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 7, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 7, 2023 (Martes): Kabilang ka sa iilan na may mayamang imahinasyon na puwede mong pakinabangan sa paglikha ng mga obra-maestra, kung saan aani ka ng maraming-maraming tagumpay at yaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-ingat ka! Kanino ka mag-iingat? Sa sarili mo dahil may babala na ikaw mismo ang dadaya sa iyong sarili. Mas mabuti kung pakikinggan mo ang payo ng malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-18-20-21-25-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) -Ikaw ay mapapalapit sa isang taong nasa malayo, na sa una ay iwas na iwas ka, pero habang dumadaan ang araw, hindi mo napapansin na ang pag-iwas mo ay nawawala at kusa kang didikit at lalapit sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-22-26-30-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang iyong plano. Ang mga bagong pumasok sa isip mo ay malabong magkatotoo, at kung mangyari man ay wala ring talab sa buhay mo. Ang pipiliin ng langit na matupad ay ang nauna mong plano. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-18-24-34-36-41.


CANCER (June 21-July 22) - Wala kang pakikinggan ngayon kundi ang sarili mo. Mapapahiya ang mga magpapayo, aawat at hahadlang sa gusto mo. Ilagay mo sa iyong isip na mahal ka rin nila. Masuwerteng kulay-mint green. Tips sa lotto-17-20-22-24-25-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na itatalang pinakamapalad dahil panahon ngayon ng tag-araw. Araw o Sun ang iyong ruling planet, kaya anuman ang hilingin mo ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-26-28-30-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magara ang kapalaran mo ngayon dahil nakamasid sa iyo ang mga mata ng langit. Nakabukas din para sa iyo ang bintana ng mga biyaya na handang ibigay ang mga kahilingan mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-19-20-28-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itutok mo pa rin sa ibang bagay ang iyong atensyon. Sa ganitong paraan, giginhawa ang pakiramdam mo at hindi ka maaalapin ng iyong damdamin. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-16-25-26-34-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dahan-dahan ka na ring natatauhan. Hindi magtatagal ay makakabalik ka na sa reyalidad, kung saan mas masarap mabuhay kahit may mga problemang kinakaharap. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-12-15-27-39-40-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung nag-aalinlangan at nagdadalawang-isip ka, ‘wag kang panghinaan ng loob. Matagal nang nagpasya ang nasa itaas na anuman ang ambisyon mo ay tiyak na ipagkakaloob ng langit. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-6-30-33-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mismong langit ang gagawa ng hindi mo kayang gawin. Ito ang regalo mo dahil pinananatili mo ang iyong sarili sa tama at matuwid na landas ng buhay na iyong nilalakaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-16-20-22-26-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang nag-aakalang siya ay minamalas pero nang muling gumalaw ang kanyang kapalaran, sila pala ang pinakabuwenas? Ang sagot ay ikaw. Wala kang dapat gawin ngayon kundi magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-26-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Higit sa inaasahan mo ang darating. Kung dati ay laging naaantala ang suwerte, ngayong tag-araw, napakakinis ng mga daan, kaya tuluy-tuloy at mabilis kang susuwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-24-27-28-30-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page