Horoscope | Marso 6, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 17 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 6, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2026 (Biyernes): Paulit-ulit na kikilos ang iyong kapalaran hanggang sa magkaroon ka ng dambuhalang suwerte at magandang buhay. Kaya naman, hahangaan ka ng iba.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mong mahulog sa tukso. Sobrang lakas ng iyong karisma, kaya hindi mawawala ang pagnanasa nila sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-24-28-31-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Umaandar ang sasakyan kahit may diperensya. Mamahinga at kumain ka ng masusustansyang pagkain upang manumbalik ang iyong lakas. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-20-25-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Mawawala sa loob mo na ang hinaharap ay dapat paghandaan, lalo na’t madami ang umaasa na bibigyan mo sila ng saya tulad ng dati. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-15-22-36-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kahit hindi pa nangyayari ang gusto mo, magpatuloy ka pa rin, dahil may ibang mas magandang pangyayari ang inilaan sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-10-14-27-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan nakalagay ang isang puno, du’n din ito mabubuwal. Umiwas ka sa mga bisyo at sa mga walang kuwentang aktibidad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-24-27-33-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iba ang mga biyayang iyong tinatamasa. Gawin mo ito upang lalo ka pang pagpalain. Ito ang banal na lihim upang magkaroon ka ng masaganang buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-21-28-31-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, iyon mismo ang mangyayari. Kung sakaling nalilito ka sa kung ano ang gusto mo, maaaring kalituhan at pagdadalawang-isip din ang mapunta sa iyo. Mas mainam na simpleng saya at simpleng romansa muna ang hanapin mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-12-19-25-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagpapatuloy pa ang pagsasaayos ng iyong kapalaran. Huwag na huwag kang magugulat kung pabagu-bago ang takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-18-20-23-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahalagahan mo ang mga dagdag na biyayang mapapasaiyo. Malaki man o maliit ang mga pagpapala mula sa langit, hindi ito dapat sinasayang na parang nagyayabang ka. Sa halip, ang pagsisinop, pag-iipon, at pagtitipid ang higit na nagpapasaya sa isang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-16-29-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Humihina ang malalakas at lumalakas ang mahihina. Dito sa mundo, sinasabing walang panghabambuhay. Ito ang lagi mong isaisip, dahil malaki ang maitutulong ng mga salitang ito sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-17-27-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang matuwa kapag madami ang nagpaparamdam sa iyo. Ang totoo, dapat kang mag-ingat at maging listo, dahil madami sa kanila ang hindi maganda ang motibo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-23-30-37-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang iyo, iyon mismo ang ipakita mo. Ang may inililihim at may itinatago ay hindi kailanman makakaranas ng tunay at dalisay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-14-19-24-34-43.


Comments