Horoscope | Marso 6, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 6, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2023 (Lunes): Kikilos nang paulit-ulit ang kapalaran mo para sa lalo pang ikagaganda ng iyong buhay. Ibig sabihin, anumang mangyari, hindi ka puwedeng manatili sa pangit na kalagayan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isaisip mo na kapag maganda ang kapalaran, mas pinahahalagahan ang biyaya at ito ay para sa kinabukasan mo. Huwag mong sayangin ang mga nasa iyo na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-29-30-33-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli mong makukuha ang bendisyon ng langit. Ibig sabihin, ang mga gawa ng iyong kamay ay magiging mabunga at ang mga mapapakinabangan mo ay dadami pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-22-27-39-41
GEMINI (May 21-June 20) - Marami ka pang mapapakinabangan kapag patuloy mong tinutukan ang iyong kabuhayan. Hihinto ang suwerte mo kapag ang pokus mo ay napunta sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-24-26-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi pa tapos ang pagdating sa iyo ng mga suwerte. Ang totoo pa nito, kahit wala kang gawin, ikaw pa rin ay bubuwenasin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-23-24-37-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa langit. Dahil dito, magliliwanag ang isip mo, kung saan mas dapat mong unahin ang sarili mo kaysa sa mga pabigat lang sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-21-26-27-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdadatingan sa harapan mo ang mga tukso. Tandaan na ito ay nakakasira ng kapalaran. Piliin mo ang may maitutulong na maayos sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-23-24-25-35-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na nakabukas ang mga tainga ng langit para sa iyo. Hilingin mo na ang iyong pinakagusto. Gayunman, huwag mo nang lagyan ng mahabang salita ang mga dasal mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-22-23-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makihalo sa masalimuot na problema ng iyong kapwa. Masarap mabuhay nang payapa, hayaan mo na ang mahilig makialam ang makisali sa magulong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-18-25-26-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi pa tapos ang mapapalad mong araw. Pero anumang sandali, puwedeng masayang ito kung hindi mo iaayon ang mga kilos para sa mga ambisyon mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-18-28-29-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nasa tabi mo ang iyong mahal para alalayan ka dahil mahina at mahiyain ka. Gayundin, takot kang sugurin ang katuparan ng iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-27-28-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumapit ka sa iyong sarili, ibig sabihin, hindi ka dapat umasa sa iba. Ang totoo nito, mas mara ming umaasa sa iyo, kaya mas kailangan mong paunlarin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-24-26-27-34-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumapit ka sa nasa malayo na dati nang hindi ka tinaggihan. Mas nauunwaan ka niya kaysa sa mga nasa paligid mo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-30-31-33-38-40.




Comments