top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Marso 6, 2021 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 6, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 6, 2021 (Sabado): Mabibigo ang sinumang maghahangad na pumangit ang iyong kapalaran dahil sa huli, sila ang makikitang bigo at napahiya sa kanilang mga sarili.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito kaya huwag mong sayangin. Ituon mo ang iyong lakas sa kung paano uunlad ang buhay mo. Hindi maganda na kung anu-ano lang ang tututukan mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-19-22-29-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumating na muli ang araw kung kailan nakabukas ang tainga ng langit para sa iyong mga kahilingan. Mas magandang ‘wag nang ipagpabukas pa ang paghiling mo sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-28-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat maapektuhan ng mga daing at reklamo ng mga taong negatibo. Kahit kailan naman ay ganu’n sila kaya walang mangyayaring maganda kung ikaw ay makikinig pa sa sinasabi nila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-11-14-16-24-40.


CANCER (June 21-July 22) - Inihahanda ng langit ang isang malaking magandang kapalaran para sa iyo, kaya ihanda mo rin ang iyong sarili. Marapat lang na itakwil ang hindi magagandang gawi at ugali mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-20-21-27-33-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo kahit inaakala mong mahihirapan ka. Ang totoo, hindi naman tao ang nakakaalam kung ano ang mangyayari. Magugulat ka dahil madali lang pala ang akala mo ay mahirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-14-25-33-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagsisisi ang lumayo dahil makikita niyang hindi pala tama ang kanyang naging desisyon. Tatanggapin mo ba ang kanyang pagbabalik? Oo, ito ang sabi ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-6-12-27-31-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sino ang tatayo sa harapan mo at kokontra sa iyong gusto? Dapat wala dahil mapapahiya lang ang magtatangka. Ibibigay sa iyo ng langit ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-23-37-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa mga balita, lalo na kapag mula sa hindi naman talaga tagapagbalita. Marami ang mananakot ngayon na walang magawang mabuti sa kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-17-20-21-28-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka malayo sa kung ano ang gusto mong mangyari. Ang totoo, kaunting kilos na lang ay maaabot mo na ang iyong pinapangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-21-24-35-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpalit ka ng pormula kung paano mas mapapaganda ang kasalukuyan. Dapat mong malaman na kahit gaano kaganda ang isang bagay, lumilipas din ito at nawawala sa panahon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-12-29-30-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot. Para sa iyo, madali lang naman sumaya. Noon pa man, ang saya at ligaya ay malapit sa iyo kung saan parang ikaw at sila ay kambal. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-26-31-33-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil darami ang maiinggit sa iyo dahil gumanda ang kapalaran mo habang ang kapalaran nila ay pumangit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-12-14-20-39-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page