top of page

Horoscope | Marso 5, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 5, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 5, 2026 (Huwebes): Taglay mo ang matalas na pag-iisip at walang suliranin na hindi mo makakayang lutasin. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na kailangan mong mapag-isa. Sa malalim na pagmumuni-muni, makahuhugot ka ng bagong lakas at enerhiya na magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-25-29-35-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka kakapusin sa mga taong gustong tumulong para matupad ang pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-21-34-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Mapapasaiyo ang panalo, at pagkatapos nito, ang labis-labis na kasiyahan ay sa iyo pa rin. Huwag na huwag mong talikuran ang pangako mo na tulungan ang mga kaibigan at ang mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-24-28-37-45.


CANCER (June 21-July 22) - Bilisan mo ang pagpapasya at bilisan mo rin ang pagkilos. Sa ganitong paraan, masosorpresa mo ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang susi para mapasaiyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-27-30-35-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang kamay mo mismo ang kikilos kahit na tutol ang isip mo na muling pagbigyan ang lumalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-26-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Didikit sa iyo ang panalo, at mananalo ka kung lalakasan mo ang loob mo. Pero kung mananatili kang mapag-alinlangan, masasayang lang ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-22-27-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi lang ang pisikal mong itsura ang maganda, bagkus maganda rin ang panloob mong pagkatao. Ang lahat ng ito ay natatanglawan ng langit. Dahil dito, gaganda rin ang kapalaran mo at sa susunod na mga araw, lalo pa itong gaganda nang gaganda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-21-24-29-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sundin mo ang sasabihin ng isip mo at bilisan mo ang pagsunod upang hindi makasingit ang iuutos ng iyong damdamin na manatili sa maling sitwasyon ng buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-22-25-31-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Binabalaan ka na kapag binago mo ang mga plano mo, hindi ka lang mabibigo, dahil malaki rin ang mawawala sa iyo, at sa huli ay sisisihin mo pa ang iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-28-30-33-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malabo mong magawa ang pangako mo sa sarili mo na lilimitahan mo ang pagkain. Hindi ngayon ang panahon ng pagda-diet at pagdadamot sa sarili. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-16-21-27-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang malito! Hindi lahat ng nagpapakita ng kabutihan ay maganda ang ugali at maganda ang idudulot sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-13-25-29-35-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang patatangay sa masasayang bagay. May mandadaya na pasasayahin ka, pero sa huli ay pawang kalungkutan lang pala ang iyong mapapala. Mag-ingat ka sa mga traydor at mapagsamantala na noon pa man ay tahimik lang na umaaligid sa paligid mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-22-28-30-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page