top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Marso 5, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 5, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 5, 2023 (Linggo): Samantalahin mo ang taong ito, kung kailan napakaraming magagandang oportunidad na ilalagay ng langit sa iyong harapan. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibilis na pagkilos ang kailangan mo para bumilis din ang pag-angat ng iyong buhay. Hindi ka dapat na masingitan ng anumang pag-aalinlangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon, ‘di ka dapat maawa sa mga dapat ‘di kaawaan. Ang mga mandaraya ay nagkukunwaring nakakaawa. Ito ang paalala sa iyo ngayong tag-araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-19-21-29-30-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy na nagpapakita ang mga bulalakaw sa langit. Huwag mong kakaligtaan na ikaw at ang mga bulalakaw ay may kaugnayan. Magpapakitang-gilas din ang iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-15-23-26-39-41.


CANCER (June 21-July 22) -Nakakamangha ang larawan ng buwan sa kalangitan kahit ito ay tila baliktad. Kaya mamamangha rin ang mga nasa paligid mo sa ganda ng kapalaran mo sa kasalukuyan. Magpasalamat ka sa nasa Itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-25-37-40-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sobrang dami ng mga biyayang inilaan sa ‘yo ng langit ngayon. Muli, ang payo ng iyong kapalaran ay nagsasabing, maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga grasyang kaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-28-37-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bukod sa mga materyal na bagay na ibibigay sa ‘yo ng langit, ngayong taon ay bibigyan ka rin ng talas ng isip kung kailan puwede mong gamitin para ikaw ay umunlad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-31-32-35-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magbabalikan sa ‘yo ang mga umalis sa buhay mo. Mag-ingat ka dahil marami sa kanila ang patuloy lang na magkakasala sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-34-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makinig ka sa mga payo para may matutunan ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo na nagsasabing, makakaiwas ka sa hindi magagandang bunga ng mabibilis mong pagpapasya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-21-25-35-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala kung sa tingin mo ay naparami ang pangarap mo sa taong ito. Mas marami, mas mabuti. Magkakatotoo ang karamihan sa mga pangarap mong ito. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-19-24-28-36-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga naiinggit sa iyo. Sa taong ito, mas kaiinggitan ang kapalaran mo dahil ang lahat ng suwerte ay gustong magsidapo sa ‘yo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-27-28-30-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit parang sawa ka na at ayaw nang magpatuloy, wala kang magagawa dahil darating ang masasaya at makukulay mong karanasan. Isingit mo ang mabilisang pamamahinga, ito lang ang puwede mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-23-25-27-34-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy kang pasasayahin ng kapalaran mo, gayundin ang mga tao sa paligid mo. Mangyayari ito dahil ang langit ay patuloy kang pagpapalain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-17-27-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page