top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 5, 2021 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 5, 2021



Sa may kaarawan ngayong Marso 5, 2021 (Biyernes): Nang ikaw ay isinilang, kakambal mo ang maraming suwerte na magpapasaya sa iyong buhay. Walang magagawa ang mga tao sa paligid mo kundi ang sumaludo sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibilis ang mga pangyayari sa iyong harapan. Kaya kung hindi ka maagap, maraming oportunidad ang makakalagpas sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-23-28-30-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi para sa iyo ang taong mabagal at makupad. Sa kanyang kabagalan at kakuparan, mawawala ang iyong pagtingin. Nakakapanghinayang, kaya lang, ito ay isang katotohanan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-10-14-29-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Saan ka man mapunta at anuman ang iyong ginagawa, ang mga suwerte ay nakasunod sa iyo. Kapag nakataya ang iyong kapalaran, sila ay tiyak na magpaparamdam sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-28-34-37-41.

CANCER (June 21-July 22) - Napakalakas mo ngayon. Ang mga lihim na kaaway mo ay gulung-gulo kung paano ka maiisahan dahil hindi nila malaman kung ano at nasaan ang iyong mga kahinaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-24-26-35-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Matamis ang tagumpay kapag pinaghirapan, pero anong sarap ng nakuha mo ang iyong gusto nang walang kahirap-hirap? Ayon sa iyong kapalaran, ang nasa huli ang iyong mararanasan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-13-16-29-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay buwenas. Sino naman kaya ang malas? Sino pa nga ba kundi ang naghahangad na ikaw ay mabigo. Ito ang pasya ng langit ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-23-24-31-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Titirahin ka ng iyong mga kaaway, pero sila ang masasaktan dahil ang anumang ipukol nila sa iyo ay magbabalik sa kanila. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-16-20-25-28-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papatapos na ang malaking problema mo at nagsisimula naman ang mga bagong umaga ng iyong kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-17-22-27-36-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dignidad ang isa sa mahalaga na dapat mayroon ang isang tao. Pangalagaan mo ang magandang tingin sa iyo ng mga kakilala mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-14-18-21-28.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Naghuhugas ng kamay ang nakagawa ng kasalanan. Luwagan mo ang iyong puso at muli mong pagbigyan ang nagkamali sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-23-24-29-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tumbukin mo ang mismong sanhi ng problema. Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Hindi makabubuti kung hindi mo direktang haharapin ang nagpapasakit ng iyong ulo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-26-30-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang saya at sigla ang nadarama kapag suot o bitbit mo ang anumang bago. Magbabago ngayon ang iyong kapalaran. Ang saya at sigla ay ituon mo sa kung paano mapapatatag ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-25-37-36-37.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page