Horoscope | Marso 4, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- Mar 4
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 4, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 4, 2026 (Miyerkules): Ikaw ang dahilan kung bakit sila umaasenso. Gayunpaman, asikasuhin mo ang sarili mong kapakanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Guguluhin ka ng mga kontrabida sa buhay mo. Noon pa ito itinakda ng langit, pero habang kinokontra ka nila, magtataka sila dahil tuluy-tuloy ka pa ring makakatanggap ng iba’t ibang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-24-29-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ka, iyon mismo ang ipakita mo sa mundo. Magugulat ka, dahil pipilitin ng mga asensado at may magagandang buhay na ikaw ay maging bahagi ng kanilang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-19-25-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagkalat ngayon ang mga reklamador. Kaya lang naman pumapangit ang kanilang buhay dahil nabubuhay sila sa maling nakaugalian. Kaya habang maaga pa, layuan mo na sila para ‘di ka mahawa sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-35-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Labanan mo ang damdamin mong maaaring tumangay sa iyo sa mga negatibong bagay. Ang anumang negatibo ay wala namang ibinubungang maganda sa kapalaran ng bawat tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-21-23-33-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aangat ka nang aangat. Kaya huwag mong kalimutan na ang paa ay dapat laging nakasayad sa lupa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-18-26-29-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipinapayo ng kapalaran mo na ikaw ay dapat maging huwaran ng karamihan, lalo na sa pagpapakita ng wagas at dalisay na prinsipyo sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-21-27-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pakinggan ang mga payo na maglalayo sa iyo kung saan ka maligaya. Bakit ka tutulad sa kanila na kulang na sa saya’t ligaya? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-26-31-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon na ang araw upang simulan ang pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Gawin mo na ‘yan ngayon! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-24-30-38-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Susuko na sa iyo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Ngayon nila mauunawaan na wala silang magagawa para ika’y pabagsakin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-14-17-23-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na para bang nakuha mo na ang gusto mo, hanggang sa makamit mo ang noon mo pa ipinagdarasal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-10-26-28-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon na nagsasabing kumilos ka man o hindi, gaganda pa rin ang takbo ng buhay mo. Marapat lamang na magpasalamat ka lagi sa langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-25-35-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag ka munang dumikit sa mga taong kinaiinisan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-21-25-29-45.



Comments