top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | Marso 31, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 31, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 31, 2026 (Martes): Kung mamumuhay ka ng payapa at malayo sa magulong kapaligiran, tiyak na maisasakatuparan mo na ang iyong mga pangarap.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung hindi man sila magkaintindihan, hayaan mo na. Gayunman, puwede ka pa rin namang magbigay ng opinyon, pero mas maganda kung tuluy-tuloy lang ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-20-25-37-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mapapansin mo ngayon na ang hirap kausap ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-14-28-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi nabibigo ang taong pinag-aaralan muna ang bawat hakbang. Kaya pag-aralan mo muna ang mga plano mo at huwag kang sugod nang sugod. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-19-23-26-34-38.


CANCER (June 21-July 22) - Muling ibabalik ng langit ang mga suwerte mo. Kaya huwag mong kalimutang magpasalamat sa Maykapal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-22-27-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ang mahalaga ngayon ay ang kasalukuyan. Kapag naayos mo na ang mga problema mo, tiyak na gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-25-30-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Medyo masikip ang sitwasyon ngayon. Kaya huwag mo munang ipilit ang gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-28-30-33-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makakatanggap ka ng biyaya ngayon.  Kahit hindi ka humingi, kusa kang bibigyan at huwag ka nang tumanggi pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-21-25-35-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi kailangan ng tao ang sobrang yaman. Pero minsan, sobra-sobra kung magbigay ang langit. Kaya mas mainam na ibahagi mo ang ilan sa mga biyayang matatanggap mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-26-34-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nadadapa ang nagmamadali, kaya bakit ka magmamadali? Dahan-dahan lang sa bawat kilos dahil sa pagiging maingat, mas gaganda ang iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-16-23-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pansinin ang mga mapanghusga. Hindi nila alam ang tunay mong pinagdaraanan. Mas mabuting dedmahin na lang sila. Iyan ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-22-28-31-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alam ng langit kung ano ang kailangan mo. Maaaring mahirap paniwalaan, pero sa ngayon, hindi mo kailangang humiling, dahil kusang darating ang biyaya para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-27-30-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Patuloy na darami ang maiinggit sa iyo dahil tuluy-tuloy ang dating ng suwerte mo. Wala silang magagawa para pigilan ang sunud-sunod na biyayang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-5-11-18-21-29.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page