top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Marso 31, 2023 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 31, 2023



Sa may kaarawan ngayong Marso 31, 2023 (Biyernes): Mabilis kang aasenso ‘pag hindi mo pinansin ang mga taong hindi nakakaintindi sa iyo, gayundin ‘pag nagsikap kang mag-isa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magkakaroon ka ng buwenas ‘pag marunong kang magpakumbaba sa mga tila hinahamon ang iyong pang-unawa. Kailangan mong intindihin ang mga taong makitid ang isip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-19-24-27-34-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula ang suwerte sa taong malapit sa iyo. Pasimple kang makipag-usap at ikaw ay magugulat dahil sa kanya, ikaw ay susuwertehin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-17-22-23-33-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Magiging pabigla-bigla ka. Ang mga suwerte mo ay atras-abante, pero sa kabuuan, may maiiwan sa iyo na munting suwerte na puwede namang maglakihan sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-15-16-20-21-24.


CANCER (June 21-July 22) -Ito ang araw na nagsasabing magpatulong ka sa isang malapit sa iyo at tutulungan ka niya. Matapos ka niyang tulungan, sunud-sunod na suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-6-11-17-23-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hahamunin ang katatagan mo sa mga pangyayari. Sa biglang tingin, grabeng hirap ang iyong aabutin. Pero sa pagiging matatag, mapagtatagumpayan mo rin ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-23-25-38-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mo gamitin ang iyong malawak na kaalaman na nagsasabing, dapat pagpasensyahan ang mga mababa at mahihina upang tuluy-tuloy na gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-26-29-30-31-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, maaalala mo na ang tunay na pagmamahal ay hindi natutumbasan ng salapi at mga ari-arian. Huwag mong kakalimutan ang araw na ito, gawin mo itong gabay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-16-20-21-24-28.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humugot ka ng lakas sa mga hamon ng kapalaran na iyong napagtagumpayan. Sa ganitong paraan, kahit malalaking pagsubok ay iyong matatalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-23-26-35-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kaysa makisali sa walang kuwentang kuwentuhan, muli mong silipin ang iyong mga plano at hanapin ang puwede mo pang gawin na kapaki-pakinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-26-37-39-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang dating ng buwenas mo, kapag sumama ang loob mo ngayon, ibig sabihin, ang malalaking suwerte ay guguhit at magmamadaling dumating sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-28-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang ng araw na ito. Gawin mo na ang anumang gusto mo, at ang sinumang kokontra sa iyo ay mahaharap sa kabiguan at kamalasan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-23-27-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong patulan ang mga nagsasabi ng ‘di maganda tungkol sa iyo. Ang mga sasabihin nila ay hindi mangyayari sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-24-28-31-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page