Horoscope | Marso 31, 2021 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 31, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 31, 2021 (Miyerkules): Nasa iyo ang mga suwerte ng mga taong nakakadikit mo. May aamin na sila ay masuwerte dahil sa iyo at mayroon ding lihim na magsasabi ng ganu’n dahil ang totoo, ikaw ay sadyang masuwerte.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, huwag mong pansinin ang mga negatibong opinyon na maririnig mo dahil masisira lang ang iyong diskarte. Ipagpatuloy mo ang mga naunang plano mo. Masuwerteng kulay-purple. Masuwerteng numero-3-19-20-25-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw kung kailan ipinapayo sa iyo na tumingin ka kahit sandali lang sa kalangitan. Sa ganitong paraan, ang mga suwerte ay magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Masuwerteng numero-2-10-18-28-33-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung maiinis ka lang sa mga maririnig mo sa iyong mga kasama, mas maganda na gawin mong mag-isa ang gusto mo. Ang mga nakakasama, minsan ay hindi nakatutulong. Masuwerteng kulay-beige. Masuwerteng numero-6-19-23-26-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang luha mo ngayon at madaling masaktan ang iyong damdamin at ang puwedeng maging sanhi ng sakit ng kalooban ay ang iyong mahal. Masuwerteng kulay-blue. Masuwerteng numero-5-19-22-25-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muli, ipinaaalala sa iyo na lihim kang ngumiti kapag may mga taong ang gusto ay mabigo ka dahil kabaligtaran ang mangyayari. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Masuwerteng numero-19-29-30-31-39-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawal sa iyo ngayon ang makipagtalo, hindi dahil hindi ka mananalo kundi ang makakatalo mo ay hindi sinasadyang may mahahatak na suwerte mula sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Masuwerteng numero-18-24-27-28-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong damit. Gawin mo dahil ito mismo ang magsisilbing pampasuwerte at panlaban sa mga negatibong puwersa sa paligid. Masuwerteng kulay-peach. Masuwerteng numero-7-10-11-14-16-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Humugot ka ng lakas sa mga napagtagumpayan mo nang mga hamon ng kapalaran dahil ang mga ito ang susi para sa mas ikagaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Masuwerteng numero-8-10-17-20-22-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itataas ka ng kapalaran mo kapag nanatiling buhay ang ningas ng iyong pangarap. Aatras ang galaw ng iyong kapalaran kapag nawala ang iyong sigla. Masuwerteng kulay-brown. Masuwerteng numero-7-11-13-17-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil maiinis ka sa mahal mo, pero may hatid siyang suwerte para sa iyo. Minsan, nakakainis ang mahal sa buhay, pero hanggang inis lang. Masuwerteng kulay-white. Masuwerteng numero-6-10-17-18-28-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang iyong kapalaran ngayon. Matutukso kang mamasyal at magkakatotoo sa iyo na minsan, ang tukso pala ay may magandang ibinubunga. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng numero-5-16-20-27-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Isuot mo ang iyong paboritong sapin sa paa dahil ito mismo ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Masuwerteng numero-3-13-21-29-35-40.




Comments