top of page

Horoscope | Marso 30, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 30, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 30, 2026 (Lunes): Itinalaga ka ng iyong kapalaran para mataas na katungkulan. Huwag mong kaligtaan ang payo na dapat ay nakasayad ang mga paa mo sa lupa. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ingatan mo na huwag magmukhang mataas kaysa sa kanila. Mas maganda na sa paningin nila ay pantay-pantay pa rin kayo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-18-21-33-37-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin mo ang mga ibibigay sa iyo ng taong lihim na humahanga sa iyo. Sa katunayan, kapalit lang naman iyon ng inspirasyon na nakuha niya mula sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-15-22-25-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Matatangay ka ng mga kislap ng iyong kapalaran. Pakaingatan mong mabawasan ang ligaya na nasa iyo na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-24-26-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang masusunod ngayon. Kaya lang, wala sa isip mo na pasunurin ang isang tao. Pero kapag sinubukan mo, wala naman siyang magagawa kundi ang sundin ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-20-34-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magmalaki kahit na sa totoo lang ay malayo ang agwat mo sa kanila. Sa ganitong paraan, mas lalo mo silang maiiwanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-18-23-31-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tiwala sa sarili ang kailangan mo ngayon. Magagandang bagay ang nararanasan ng taong may tiwala sa kanyang sarili. Samantala, walang mabuting napapala ang walang tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-28-30-36-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nalilito ka, mamahinga ka. Sa pamamahinga, ang tao ay natuturuan ang sarili kung ano ang dapat gawin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-15-22-25-32-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ang mga bagay na kailangan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-23-29-37-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasaiyo ang panalo, pero kailangang maunawaan mo na ang panalo ay nakukuha lang sa pakikipaglaban sa mga hamon ng kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-20-30-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran. Ikaw na ayaw ay siyang mapipili, habang ang mga may gusto ay malulungkot, dahil hindi sila makapaniwalang sila ay nabigo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-19-21-26-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sumunod ka lang sa agos ng kapalaran kahit hindi mo maunawaan ang mga pangyayari sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-8-10-18-22-33-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bibigyan ka ng maliit na suwerte, pero kapag pinarami at pinahalagahan mo ito, magiging tulad ito ng buhangin sa dagat na hindi mo mabilang-bilang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-12-24-29-34-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page