top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 30, 2023 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 30, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 30, 2023 (Huwebes): Taglay mo ang galing at husay sa pamamahala at pamumuno. Ito rin ang dahilan kaya aangat ka sa pinamataas na antas ng iyong kalagayan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong itago ang iyong lungkot, bagkus, ikuwento mo ito sa iyong pinagkakatiwalaan. Dito sa mundo, hindi puwedeng mabuhay nang nag-iisa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-20-31-32-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Makibahagi ka sa mga proyektong nakakatulong sa kapwa. Kapag nagawa mo ito, lalo na ngayong panahon ito ng Kuwaresma, malalaking biyaya ang iyong mapapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-24-27-28-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumagay ka sa gitna ng hindi magkaunawaan na malalapit sa puso mo. Dahil ang nasa gitna ang may kakayahang ayusin ang magulong sitwasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-21-26-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang mamuno dahil ikaw ang gusto ng marami. Kahit nag-aalinlangan ka, makakaasa ka na dadalhin mo ang grupo sa lugar kung saan kikilalanin kayo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-16-25-34-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalayo ang loob sa iyo ng matagal mo nang nakasama kapag pinanigan mo ang mga bagong dating sa buhay mo. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-28-30-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na kasabay ng matinding pag-init ng panahon, tuluy-tuloy ding iinit ang iyong kapalaran. Anuman ang planuhin at gawin mo, tiyak na ikaw ay magtatagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-22-27-39-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lalapit sa iyo ang magkukunwaring masaya. Pero, ang totoo, malungkot ang buhay niya at nadarama niya na sa iyo, siya ay magkakaroon ng bagong sigla. Pakinggan at pagbigyan mo siya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-21-24-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngipin sa ngapin, mata sa mata. Ito ang nasa isip ng pinanahanan ng galit. Huwag mong hayaan na matulad ka sa kanila. Pag-ibig ang iyong pairalin ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-22-26-29-30-31-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong sayangin ang magagandang pagkakataon na nasa iyong harapan ngayon. Angkinin mo ito nang buong sarap at laya dahil ang mga ito ay talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-25-27-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nabibiyak ang matigas na bato sa paisa-isang patak ng ulan. Sa tuloy-tuloy mong pagsisikap, tatalunin mo ang kahirapan. Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-27-28-35-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga paawa. Gusto lang nilang makabalik sa iyo, pero wala namang nakikitang pagbabago. Ito ang paalala ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-28.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakahanda na ang malaking suwerte para sa iyo. Hinihintay lang ng langit na makita mo ang iyong hindi magagandang katangian. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-16-18-27-38.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page