Horoscope | Marso 30, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 30, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 30, 2021 (Martes): Kumikilos ang kapalaran, pero maaaring hindi mo namamalayan, at ito ay para mas umangat ka hanggang sa pinakamataas. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaibang sigla ang mayroon ka ngayon. Ipagpatuloy mo ang iyong kagustuhan na maparami pa ang iyong kabuhayan at nang hindi ka apihin ng mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-23-35-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalayo ka ng langit sa mga taong hindi maganda ang impluwensiya sa iyo at ilalapit ka sa mga puwedeng makatulong sa iyo para maabot mo ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-27-36-37-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Biglaan ang pagpapalit mo ng pasya. Pero huwag kang mag-alala dahil sa totoo lang, sa una ay mabagal ang iyong pag-asenso at sa huling pasya, bibilis na ang pag-unlad mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-22-23-27-39.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang wala kang problema. Bukod sa mawawala nang tuluyan ang mga problema mo, mabilis ding kikilos ang kapalaran mo at gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-25-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mo ang iyong mga kilos ngayon at huwag mong ipahalata na alam mong mababa ang kausap mo. Mas maganda na akalain nilang pantay-pantay lang kayo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-22-25-28-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tumulong ka, hindi dahil mayroon ka at may kaya kundi dahil minsan, nangangailangan ka rin at may mga tumulong sa iyo. Ganito ang buhay sa mundo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-13-28-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dahan-dahan lang. Palagi mo itong tatandaan dahil nang nagmadali ka, ‘di ba nasaktan ka? Sa pagiging marahan, nalalaman ang dapat iwasan at sino ang dapat layuan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-29-30-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumuha ka ng buwelo para mas malakas ang dating ng mga suwerte mo. Paano? Umatras ka muna kahit may ilang magagandang nangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-22-26-27-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Isang salita mo lang, agad kang pagbibigyan ng langit. Huwag mo nang dagdagan ng mga dekorasyon ang iyong sasabihin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-26-28-34-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakita ng langit na hirap kang mag-isa na tahakin ang landas ng buhay mo papunta sa kasaganaan. Padadalhan ka ngayon ng iyong makakaagapay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-15-16-27-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mataas ang lipad mo ayon sa mga inggit na inggit sa iyo. Taasan mo pa dahil ikaw ay nakatakdang maging mas mataas sa kanila at titingalain ka.
Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-11-13-24-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magbawas ka ng nasa sa iyo na kahit ang mawawala sa iyo ay mahalaga sa buhay mo. Ito ang susi upang muling manariwa at magkaroon ng pagbabago ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-20-25-29-34-42.




Comments