Horoscope | Marso 3, 2026 (Martes)
- BULGAR

- Mar 3
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 3, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 3, 2026 (Martes): Mataas ang personalidad mo, kaya hindi ka basta-basta mauutusan. Sa katunayan, ikaw ang nakatakdang maging “big boss.” Ito ang papel mo sa ibabaw ng mundong iyong ginagalawan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong patulan ang mas mababa sa iyo. Sayang lang ang mga oras na puwede mong gamitin para mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-18-23-38-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo lang kung ano ang kaya mo. At huwag kang sumunod sa utos nila lalo na kung hindi mo naman talaga iyon gusto. Muli, kunin mo lang kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-8-15-24-33-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Papataas ang lahat ngayon, kaya itaas mo rin ang antas ng iyong pagsusumikap. Huwag kang umasa na bababa pa ang mga tumaas na. Muli, papataas ang lahat sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-30-36-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Dahil ngayon, madaling dapuan ng karamdaman ang pinahihirapang katawan. Mas maganda na dalasan mo ang pamamahinga at pag-eehersisyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-24-26-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit pa alam mong angat na angat ka sa kapwa mo, magpakababa ka pa rin. Dahil sa pagpapakababa, ang mga grasya ng langit ay mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-29-37-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi humihinto ang gustong umasenso. Kaya huwag kang hihinto at ituloy mo lang ang nasimulan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-22-28-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong itapon ang sobra, bagkus itabi mo lang ito dahil magagamit mo rin ito sa mga araw na gipit ka. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-14-19-25-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, pag-ipunan mo ang gusto mong bilhin. Dahil sa pag-iipon mo, marami kang puwedeng maipundar. Ito ang palatandaan ng isang taong nakatakdang umunlad ang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-27-30-36-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Alisin mo ang mga pabigat sa iyo para tuluy-tuloy ka nang umunlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-23-32-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggihan ang ibinibigay sa iyo, dahil langit mismo ang lihim na nag-utos na ibigay ang mga kagustuhan mo. Ginamit lamang Niyang instrumento ang mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-20-24-33-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang namimintas sa iyo. Bakit ka magpapaapekto sa kanila? Hayaan mo lang ang mga naiinggit at huwag na huwag mo silang papatulan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-17-21-34-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit makaramdam ka ng paghihirap, ituloy mo pa rin ang matagal mo nang gustong simulan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-11-15-22-26-38.


Comments