Horoscope | Marso 3, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Abril 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Abril 3, 2023 (Lunes): Nakalaan sa iyo ang pamamahala at pamumuno. Hindi ka mananatiling nasa ibaba. Ito ang mensahe ng araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isama mo sa iyong pangako na iiwasan mo nang magmalaki kahit sa totoo lang ay marami kang maipagmamalaki. Ang pagiging mababa ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-23-28-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Aalalayan ka ng mga taong may sinasabi at may ranggo sa buhay. Sila ay naatasan ng langit na ikaw ay gabayan hanggang sa matupad mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-20-21-26.
GEMINI (May 21-June 20) - Makukulay at makikislap na bagay ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayong tag-araw. Ang payo, kung puwede, huwag kang magsusuot ng luma at kupas na. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-28-29-33-37-42.
CANCER (June 21-July 22) - Maaakit mo ang magagandang kapalaran sa pamamagitan ng patuloy na pag-aalaga sa mga halamang pang-garden na may magagandang bulaklak. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-30-34-36-40-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dalasan mo ang pagpapasikat sa sinag ng Haring Araw sa unang oras sa umaga. Bukod sa lalakas ka, susuwertehin ka pa dahil ito mismo ang magiging panlaban mo sa mga negatibong tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-22-26-28-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya kahit sobrang init na ng panahon ngayon. ‘Di ka rin mawawalan ng mga oportunidad na mapalago pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-21-24-25-36-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit sa lahat, pang-unawa ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Sikapin mong maunawaan ang mga bagay na para sa iba ay napakahirap unawain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-21-28-30-33-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka mapipigilan na mangarap nang sobrang dami. Isa-isa lang muna ang sikapin mong makuha. Hindi puwedeng sabay-sabay. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-19-24-27-28-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga bagay na alam mong masisira ang reputasyon mo. Sa taong ito, marami ang kikilala at hahanga sa iyo. Ingatan mo ang iyong magandang imahe. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-20-22-28-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Madadagdagan ang iyong mga ari-arian. Pahalagahan mo ito, dahil ito ang regalo sa iyo ng langit sa ipinakikita mong kabutihang loob sa kapwa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-29-30-33-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala. Sa dami ng gusto mong mangyari sa taong ito, gagawa ng paraan ang langit na mangyari at maibigay sa iyo ang mga ito upang ikaw ay lalong sumaya. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-21-24-26-35-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadagsa sa kapalaran mo ang magagandang oportunidad na magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Higit kailanman, ngayong taon, kailangang lakasan mo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-23-29-33-39.




Comments