top of page

Horoscope | Marso 29, 2026 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Marso 29, 2026 (Linggo): Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kapag tinutukan mo ang pagpapayaman, tiyak na yayaman ka! Ito ang mensahe ng iyong kapanganakan. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang mayroon ka, iyon lang ang ibigay mo at huwag mo nang gawan ng paraan ang problema ng iba. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-19-28-34-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit itinatago mo ang iyong sarili? Ilantad mo ang iyong personalidad, dahil kapag inilabas mo ang tunay mong pagkatao, nakakamanghang pangyayari ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-20-25-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong makipagtalo, dahil wala naman itong mabuting maidudulot. Sa totoo lang, sa pakikipagdebate, nasasayang lang ang oras na sana’y nagagamit mo sa pag-asenso. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-18-26-33-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Naduduwag ka bang kumilos para sa sarili mong pag-unlad? Labanan mo ang pakiramdam na tila ayaw mo nang lumaban sa mundo. Kumilos ka, dahil dito magsisimula ang pagbabago! Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-2-14-22-31-38-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo gaanong paghihirapan ang mga suwerteng darating sa mga susunod na araw. Nakapagtataka man, may iba na hirap na hirap na umangat, pero tila wala pa ring napapala. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-11-24-29-34-40.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kulang ka man sa kilos at salita, hindi ka naman kapos sa talino. Gagabayan ka nito sa bawat hakbang, at sa bawat galaw mo, malalaking suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-18-20-35-37-43


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na itinakda ng kapalaran para sa iyo. Mamayang gabi, magsindi ka ng pulang kandila at humiling sa langit. Sa loob ng tatlong araw, makikita mong unti-unting matutupad ang iyong hiling. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-15-29-36-40.


 SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit layuan mo, lalapit pa rin sa iyo ang mga taong may impluwensya at mataas ang katayuan. Isa sa kanila ang magiging daan ng iyong kapalaran, kaya sundin mo ang gabay na ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-19-27-35-41-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tapat ka sa trabaho kaya ka aasenso. Pero mas mainam kung magiging tapat ka rin sa sarili mo at aalagaan ang iyong kapakanan. Ito ang susi sa tunay na kaunlaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-25-33-38.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - May naghihintay na magandang buhay para sa iyo. Ngunit kung hindi ka marunong magtiis, tiyak na mabibigo ka! Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-23-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alisin mo muna sa buhay mo ang mga nagpapahirap sa iyo. Kapag nagawa mo ito, kusang darating ang mga oportunidad at taong tutulong sa iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-28-30-31-34.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) n- Masaya ang mga pangyayari sa buhay mo at madali mong napapaniwala ang iba. Pero sa kabila nito, tila kulang ka sa tiwala sa sarili. Panahon na para paniwalaan mo rin ang sarili mong kakayahan! Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-13-18-24-26-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page