Horoscope | Marso 29, 2023 (Miyerkules)
- BULGAR
- Mar 29, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 29, 2023
Sa may kaarawan ngayong Marso 29, 2023 (Miyerkules): Kahit may kapintasan at kahinaan ka, hindi magiging sagabal ang mga ito para ‘di matupad ang salita ng langit para sa iyo na ikaw ay yayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaibang pandama ang mapasasaiyo dahil madarama mo kung sino ang may malinis at baluktot na motibo. Lumapit ka sa may malinis na motibo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-32.
TAURUS (Apr. 20-May. 20) - Ngayon pa lang ay kumikilos na ang iyong kapalaran upang mapasaiyo ang pinapangarap mong kasaganaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-21-27-29-32-35.
GEMINI (May. 21-June. 20) - Nagmamadali na parang malakas na bagyo ang mga suwerte na gustong dumapo sa buhay mo. Marami sa mga ito ay malaki ang maidaragdag sa kaban-yaman mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-25-28-31-32.
CANCER (June. 21-July. 22) - Maraming suwerte ang darating sa pag-ibig o materyal na bagay, ngunit ingatan mo ang iyong kalusugan para mapakinabangan mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-23-24-34-37-40.
LEO (July. 23-Aug. 22) - Ito ang araw na babagal ang mga kilos mo dahil sa labis na pag-aalala para sa iyong hinaharap. Pero ang langit ay laging nakamasid sa iyo at ito ang kikilos para sumaya ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-25-37-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumapasok sa isip mo ang mga negatibong pananaw, hindi ka dapat matalo ng mga ito. Ang payo ay nagsasabing magsaya ka tulad ng mga nakaraang araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-8-24-25-35-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mong hindi magastos dahil sa pagsasaya ang mga naipundar mo. Hindi naman talaga masaya ang alam mong nababawasan ng malaki ang nasa iyo na. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-26-28-30-32-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Paramihin mo pa ang nasa iyo na upang makapag-isip ka ng mga bagong pagkakakitaan, lakasan mo ang iyong loob at makipagsapalaran ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-25-38-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng tumigil dahil maganda na ang iyong kalagayan. Ang totoo, hindi mo pa talaga naabot ang iyong mga pangarap. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-20-26-38-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang makumpiyansa sa mga hindi mo talaga kilala. May mga papasok sa buhay mo na ang gusto lang ay maisahan ka, kaya mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-25-27-30-31-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa isip mo lang na mahirap makuha ang gusto mo, pero kapag kumilos ka, mabilis na mapasasaiyo ang anumang gustuhin mo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-28-29-38-40-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magpapatalo sa pananamlay. Magpahinga ka, pero kailangan mong ipagpatuloy ang mga ginagawa mo, papalapit ka na sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-15-17-25-27-33.




Comments