Horoscope | Marso 29, 2021 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 29, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 29, 2021 (Lunes): Kakaiba ang iyong personalidad dahil punumpuno ka ng kabaitan. Isa ka sa mga nilalang na habambuhay na mamahalin at pagpapalain ng langit. Ito ang kahulugan ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Madali kang maaawa kahit sa nagkukunwari lang na nakakaawa. Pero matutuwa naman sa iyo ang langit kaya bibigyan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipagpatuloy mo lang ang gusto mong gawin kahit nakakontra ang ilan sa paligid mo. Hindi naman nila nalalaman kung ano talaga ang mga pinagdaraanan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-11-15-29-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Bigyan mo ng konsiderasyon ang mga nasa ibaba at ang mahihina. Katungkulan ng malalakas at nasa itaas na tulad mo ang unawain ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-26-27-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dumating muli ang mga araw kung kailan masuwerte ka. Ito rin ang panahon kung kailan hindi ka matatalo ng mga lihim at lantad mong kaaway, ngayon at sa susunod pang mga araw. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-15-22-23-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bubuwenasin ka kapag walang problema ang buhay pag-ibig mo, kaya ayusin mo na ngayon ang anumang hindi pagkakaunawaan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Mauswerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-21-28-36-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang piliin mo. Huwag ka nang mag-aksaya ng maraming oras sa kaiisip sa kung paano matatapos ang isang proyekto. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-17-25-26-30-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw para mas pagandahin pa ang pagmamahalan sa iyong karelasyon. Ang magkasama sa paglalakwatsa ay inirerekomenda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-18-23-30-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang ang dikit nang dikit sa iyo. Hindi niya mamamalayan na ang ibang suwerte niya ay malilipat sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-22-25-27-38-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi puwedeng tuluy-tuloy sa pagtatrabaho. Isingit mo ang pahinga kahit sandali lang. Sa pamamahinga, nananariwa ang katawan at isipan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-12-26-38-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gumagaan ang gawain kapag kabalikat ang mahal sa buhay. Napakahirap magtrabaho kapag problemado ka sa buhay pag-ibig. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-20-22-28-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang gusto ng mahal mo, pagbigyan mo dahil sa totoo lang, nang dahil sa kanya ay sinusuwerte ka. Ito ang mensahe ng kapalaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-21-29-32-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itapon mo ang iyong hindi magandang katangian. Dahil alam mo rin naman na kaya hindi umaasenso ang isang tao ay dahil sa mga maling gawi at ugali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-14-16-23-30.




Comments