Horoscope | Marso 28, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- Mar 28
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 28, 2026

Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2026 (Sabado): Dahil sa sobrang kabaitan mo, marami ang mananamantala sa iyo, pero sa kabila nito, patuloy ka pa ring pagpapalain ng langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang takdang araw para sa pagkakawanggawa. Kaya tulungan mo ang mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-19-28-30-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang nagpapakita sa iyo ng maganda. Dapat alam mong may pakunwari lang at mayroon ding totoo. Sa pagsukat mo sa kanila, malalaman mo kung ano talaga sila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-17-29-32-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap na naman ang iyong kapalaran. Darami na naman ang maiinggit sa iyo, pero mas marami ang hahanga; sasabihin nila na kakaiba talaga ang pagkatao at ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-26-31-33.
CANCER (June 21-July 22) - Sumisikat na ngayon ang mga sinag ng iyong kapalaran. Ngayon mo na rin mararamdaman na papaganda na nang papaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-25-34-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magtatangka ang madidilim na ulap ng kapalaran na talunin ang magagandang araw mo. Gayunman, hindi sila mananaig, dahil sa mga araw na ito, likas kang buwenas. Oo, likas kang masuwerte at lalo ka pang susuwertehin! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-16-22-29-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa harapan mo ngayon ang “wishing well” ng iyong kapalaran. Anuman ang hilingin at isipin mo, tiyak na matutupad ang magkakatotoo. Kaya iwasan mong mag-isip ng masama sa iyong kapwa, dahil maaari din itong magkatotoo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-2-18-21-33-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tumitibay ang isang tao dahil sa pagsubok na kanyang kinakaharap. Ito ang mensahe sa iyo ng araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-16-25-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Oo nga’t pagod ka na sa pagtulong, gayunman hindi mo pa rin matitiis na hindi tulungan ang alam mong ikaw lang ang kanyang pag-asa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-19-24-26-34-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ang bagong pormula para malutas ang iyong problema. Nagawa mo na minsan at muli mong magagawa gamit ang iyong dating paraan. Gawin mo na uli ngayon at tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-28-30-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mananalo ka ngayon! Kumilos ka man o hindi, ikaw pa rin ang magwawagi, dahil langit mismo ang papanig sa ipinaglalaban mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lott-4-22-32-35-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi tubig ang dinadayo mo sa malayo, kundi ihip ng hangin, na siyang dahilan kung bakit muling nananariwa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-20-25-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya ka nang magsaya, lalo na’t gusto ng langit na maging masaya ka, at huwag mo nang alalahanin ang nakaraang kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-12-17-26-31-45.



Comments