top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Marso 28, 2024 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Ika-28 Araw ng Marso 2024



Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2024 (Huwebes): Hindi ka dapat tamarin. Ipagpatuloy mo ang pagsisikap dahil nasa pagsisikap ang tunay na tagumpay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka. Kailangan mong maging masaya dahil sa haba ng mga araw ng walang kalayaan, makikitang naaapektuhan na ang iyong sigla, katawan at kalusugan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-12-18-28-34. 

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong tanggihan ang gustong makipagkuwentuhan sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-6-15-21-30-38.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Ikaw ang masusunod sa araw na ito at ang hindi sumunod at panay ang kontra sa iyo ay babawasan ng suwerte ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-19-27-33-42.

  

CANCER (June 21-July 22) - Balikan mo ang mga unang araw na bawal lumabas ng bahay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-11-20-29-34.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Silipin mo ang puwedeng mangyari sa iyo. Makikita mo na kapag nagdagdag ka ng lakas at puhunan, malayo ang mararating ng iyong pagsisikap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-8-19-28-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umiikot ang mundo kaya ang lahat ay nabubuhay. Paikutin mo rin ang puhunan sa pinagkakakitaan mo para hindi lang ikaw ang mabuhay kundi pati ang mga mahal mo rin sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-14-17-22-31-40.

  

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ngayong napatunayan mo na marami ang paasa lang, bakit ka maniniwala sa mga salitang magaganda, lalo na sa mga pangakong mula sa matatamis na dila ng kapwa? Masuwerteng kulay-peach.  Tips sa lotto-3-6-9-18-27-33. 

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Matatag at matibay ka, hindi tulad ng marami na mahihina at madaling bumigay. Ibahagi mo sa malalapit sa iyo ang sikreto ng iyong katatagan at pagiging matibay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-21-24-36-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghintay ka pa ng ilang mga araw. Hindi pa malinaw kung ang mga bata ay puwede nang makapag-aral. Ang gawing batayan ay pahalagahan ang buhay kesa sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-15-19-26-33-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag may panganib, huwag kang tumuloy. Mas maganda ang maging maingat, ang nag-iingat ay mas maraming araw ang inilalagi sa ibabaw ng lupa. Masuwerteng kulay-white.

Tips sa lotto-8-17-25-35-41-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtanung-tanong ka. Mas maganda ang magdagdag ng kaalaman kesa magkunwari na maraming nalalaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-7-16-22-31-40. 

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipahiram mo ang magagandang ideya na noon mo pa naisip. Huwag kang mag-alala dahil ikaw ay hindi nauubusan ng mga bago at kakaibang at kahanga-hangang pananaw sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-25-29-38-43.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page