top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Marso 28, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 28, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | March 28, 2023


Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2023 (Martes) : Isinilang kang masuwerte. Ang dala mo ay magandang kapalaran para sa lahat ng madidikit sa iyo. Upang magtuluy-tuloy ang magandang kapalaran, ibahagi mo rin ang iyong buwenas sa mga taong kapus-palad.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaasa ka na sa pagkilos ng iyong kapalaran, ang resulta ay para sa pagganda pa ng iyong kalagayan. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang lalong gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-9-17-26-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakita ng langit na tatalunin ka ng kawalan ng pag-asa. Kaya papadalhan ka nito ng magagandang kapalaran upang muling mabuhay ang ningas ng iyong kasiglahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-21-25-30.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit may mga hadlang kang nakakasagupa, masaganang buhay ang dulo ng landas na iyong nilalakaran. Ang mahalaga, magpatuloy ka lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-24-26-38-40.

CANCER (June 21-July 22) - Biglang dadapo sa iyo ang magandang kapalaran, kung saan bigla ring magbabago ang iyong buhay. Ikaw ay mahiyain at makikitang agresibo sa negosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-19-20-24-28-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi masasayang ang mga sakripisyo mo dahil makikita mo na hindi rin sinasayang ng iyong tinulungan ang kanyang mga tinatamasang masarap na buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-22-28-31-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang magpapasaya sa mga taong dikit na dikit sa iyo na para bang ayaw ka nang hiwalayan. Gayunman, ang langit ay lalo kang pagpapalain. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-16-26-32-39-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sarili mo ang iyong kalaban ngayon. Ang pangako mong lilimitahan mo ang paggastos ay malabong mangyari. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-24-27-31-33-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sabay na tutunog ang masaya at malungkot na musika, pero mas maaakit ang tainga mo. Sa huli, maalala mo ang tao na minsan ay minahal mo nang sobra. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-15-16-26-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mula sa munting puhunan, puwede kang yumaman. Ibig sabihin, ‘wag mong pangarapin ang malaking panimulang puhunan dahil sa maliit, ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-17-22-27-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling mararanasan mo na wala kang ginawa, ngunit ikaw ay nagkaroon ng magandang kapalaran. Gayunman, ang totoo, sa nakaraan ay nakagawa ka ng kabutihan, at ngayon dumarating ang magagandang bunga niyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-26-27-30-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpasalamat ka sa mga panay ang pintas sa iyo dahil sa kanila, lalo mong pinaganda ang iyong personalidad mo. Kapag walang namimintas, hindi nagbabago ang isang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-19-26-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan ka masaya, ru’n ka. Kapag malungkot ka, puwedeng magbalikan ang mga dati mong karamdaman. Bukod sa magiging masaya ka, lulusog at susuwertehin ka pa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-22-24-37-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page