Horoscope | Marso 28, 2021 (Linggo)
- BULGAR
- Mar 28, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| March 28, 2021
Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2021 (Linggo): Kabilang ka sa mapapalad na nilalang na may sariling mga suwerte na kusang nagdaratingan at may mga suwerte rin na mula sa sariling sikap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalong lumalakas ang magkakakulay kapag nagsasama-sama. Hindi maganda para sa iyo na nag-iisa ka lang. Ang payo ay hanapin mo at sumama ka sa kaugali mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-19-20-24-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka masaya, roon ka dahil sa tuwing masaya ka, nadadagdagan ang iyong magagandang kapalaran at mahimalang gumagaling ang iyong mga karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-22-26-38-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Magbigay ka at madaragdagan ka. Magdamot ka at mababawasan ka. Matagal nang gumagana sa iyo ang nasabing kambal na payo. Ganito muli ang mararanasan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-8-11-15-28-33.
CANCER (June 21-July 22) - Masusunod ang anumang gusto mo. Ngayon ang magandang pagkakataon na hingin mo ang matagal mo nang gustong mapasaiyo. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-21-22-25-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang araw na ito na kung makakalimutan mong pinaghirapan mo rin ang iyong kabuhayan ay maaari mong mabawasan ng malaki dahil sa iyong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-21-23-38-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pansinin mo ang nagpapapansin sa iyo. Lihim siyang nakatanggap ng utos mula sa langit na simula ngayon ay magkakasama kayo sa saya at paglalakwatsa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-19-22-27-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Madadagdagan ang suwerte mo ngayon kung isusuot mo ang bagong damit mo. Sa luma mong damit, kung gagamitin mo ito, babalik ang dating mahal mo pero ‘di nagbago. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-25-26-36-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang bagay na sigurado rito sa mundo, kaya ang payo para sa iyo, magsaya ka sa abot ng iyong makakaya. Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili sa tuwing may pagkakataon ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-23-28-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magpapatuloy na magiging maayos ang pamamahala. Makasisingit lang ang ilang nakabubuwisit, pero panandalian lang ito at parang sila ay pinagbigyan lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-12-21-22-28-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Akala ng mga lihim at lantad mong kaaway, bigo ka na. Pero kumukuha lang pala ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo at sila ay masusurpresa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-15-26-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bigyang laya mo ang iyong sarili. Ngayon mo gawin ang gustung-gusto mo na marami ang sumasalungat. Mas magandang gawin mo itong mag-isa at wala silang alam. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-18-23-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, darating ang mga suwerte mo at mula rin sa malapit ay may mga suwerte ka pa. Oo, maraming pinanggagalingan ang suwerte mo, kaya ibahagi mo sa mga kapus-palad ang ilan sa biyayang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-25-26-37-40.




Comments